Kabanata 3. Misyon

467 21 10
                                    

Natasha's POV

"Tinawag mo daw ako?" nakangiti hanggang tengang tanong ko kay Oyang nung mapuntahan ko sya sa tapat ng pinto ng classroom ko,

Walang kaemo-emosyon nyang iniabot sakin ang isang clear plastic bag na may lamang something, "Si mama ang may sabi. Hindi ka daw nag-agahan." mahina at walang ganang sabi nya, jusko yung volume ng boses nya parang one-fourth lang ng kay Lino, pero in fairness yun na ang pinakamahabang nasabi nya sakin

Kinuha ko yung plastic bag mula kay Oyang at tiningnan ko kung anong laman, chuckie at magic flakes?

"Oyang!" tawag ko kay Oyang na nakatalikod na, humarap naman sya saglit, "Salamat" nakangiting sabi ko at nagdire-diretso na sya ng paglalakad papunta sa classroom nya without saying a thing, his classroom is just next to mine by the way,

...

Nagsimula na ang klase namin matapos akong papuntahin ng teacher sa unahan para magpakilala, I just hate introducing myself in front of a class because I think it's the most awkward thing ever, but I had to do it with a smile na abot hanggang ears

Differential Calculus, I already knew all these stuff. Instead of listening, palihim ko na lang na kinain yung magic flakes na nasa ilalim ng desk ko.

Napatingin ako sa seatmate kong si Mutya na hirap sa pag-intindi at kay Lino na mukhang busy sa paggawa ng ibang bagay. I think everyone else here in section B are either looking real confused or just not giving a shit anymore.

"Negative." sabi ko kay Mutya,

"Huh?" nagtatakang tanong nya,

"Negative ang exponent kapag galing sa baba ng fraction." paliwanag ko pero lalo lang ata syang naguluhan kasi kita ko yung mata nyang parang luluwa na

Nginitian ko muna sya bago ko ipinakita step-by-step kung ano yung gagawin.

...

"Tasyang, mahusay ka pala sa math. Salamat kanina ha." sabi ni Mutya

Umupo kami at tumabi kila Oyang at Lino sa may damuhan sa gilid ng school, wala palang mga table at upuan yung cafeteria nila, and they don't even have decent food.

"Talaga, Tasyang? Pwede bang i-tutor mo din ako minsan?" nakangiting sabi ni Lino,

"Syempre naman Lino." sagot ko kay Lino,

"Eh kahit naman i-tutor ka ni Tasyang, mangongopya ka pa rin naman pagdating ng test." pangbabara ni Mutya, "Mas bagay sayo yung pangalang Linaw, kasi ang linaw ng mata mo tuwing may exam." dagdag pa ni Mutya kaya naman natawa ako lalo,

"Hoy! Mutya! Tumigil ka nga! Sinong nangongopya sating dalawa ha?" pag-depensa ni Lino kaya lalo syang inurug-urug ni Mutya, kaya ayun naghabulan na yung dalawa at naiwan kami ni Oyang

"Ahm, Oyang.." tahimik lang nyang kinakain yung lunch nya na camote cue,

"Salamat nga pala kanina ha."

"Si mama nga ang may sabi--"

"Edi salamat sa mama mo."

"Ahm, Oyang..ayos ka lang ba sa differential calculus? Gusto mo bang--"

Tumayo na kaagad si Oyang at naglakad na paalis, napaka-wala talagang modo. Arggghh. Natasha, take a deep breath. *inhale* *exhale*. This is part of your mission. You can do this.

"Tasyang, magkakaron nga pala ng peryahan sa sabado. Gusto mo bang pumunta?" tanong ni Lino na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala,

"Kasama ba si Oyang?" tanong ko,

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon