Naasha's POVNaglalakad kami pauwi ni Lino. Tahimik lang at walang nasasalita. I don't know. I'm so down.
Si Mutya pala ay dumiretso ulit sa ospital. Nakalimutan ko palang magpaalam sakanya na uuwi na ako. Di bale magtetext na lang ako sakanya. Sa mga lumipas na araw ay nagbigayan na kaming dalawa ng number.
Napa buntong hininga na naman ako.
Sa tuwing hindi ko kasama si Oyang sa tingin ko ay walang kwenta ang ginagawa ko dito. Feeling ko dapat palagi ko syang kasama. Para bang hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa lugar na 'to kapag wala sa tabi ko si Oyang.
Kung sabagay, sya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.
Ang bigat ng pakiramdam ko. I feel like I just wanna go home. My real home.
"Ah.. Tasyang." napalingon ako sa katabi ko. Si Lino.
Ngumiti ako. Bitterly.
"Ayos ka lang ba?" natawa ako ng konti sa tanong nya.
"Bakit naman hindi?" bakit nga ba
Tumawa rin sya pero hindi yung usual. Baka si Lino ang may problema?
"Oo nga naman."
Oh well. Hindi ko na kailangan malaman ang problema nya. It's not my problem anyway.
"Ah........" nagsalita ulit si Lino after ng ilang seconds na katahimikan. Bakit ang tahimik ngayong araw? "Ano kasi e. May laban kami sa kabilang baryo. Gusto ko sanang tanungin kung gusto mo bang sumama?"
"Laban saan?"
"Ah, liga Tasyang. Basketball."
"Oh." di pa ako nakakapanood ng basketball except sa TV. Yung kapatid kong si Natalie kasi ay inlove na inlove sa mga basketball players. "Sige. Kelan ba?"
Sasama na lang muna ako. Kailangan ko rin siguro mag isip isip. About sa mission. About sa mga kung anu-anong nangyayari sa paligid ko.
"Talaga?" natutuwang tumingin sakin si Lino. Napatigil pa sya sa paglalakad kaya ay tumigil na rin ako. "Susunduin na lang kita bukas ng alas dos. Alas tres pa naman ang simula ng laban pero kailangan maaga ako dun. At tsaka sa kabilang baryo din kasi yun e."
Tumango ako at ngumiti na lang. "Ahg. Osige. Alas dos. Tatandaan ko yan."
"Sige. Susunduin naman kita kaya maaalala mo yun" tumawa sya ng konti at nagsimula na ulit kaming maglakad. Sa sahig lang ulit ako nakatingin.
May tumunog na cellphone at mukhang kay Lino yun dahil nang napa-angat ako ng tingin ay hawak nya na ang phone nya. "bwisit." narinig ko pang bulong nya.
"Ah. Tasyang. Bilisan natin maglakad. Pinapabalik kasi ako ni Kowch, may biglaan daw na practice. Tara." hinila na nya ako at mabilis na naglakad pero agad ko rin syang pinahinto.
"Huwag na. Ayos lang. Baka magalit pa sayo si kowch." panggagaya ko sa pag bigkas nya ng word na 'coach'
"Pero--"
BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...