Kabanata 2. Unang Araw

554 25 3
                                    

[Note: yung mga lines po ay sa salitang Bicol talaga originally pero translated na namin sya. Except dun sa mga words na hindi pa pamilyar kay Tasha ^_^ Enjoy reading!]

Natasha's POV

Nagmamadali akong lumabas ng maliit na apartment na tinutuluyan ko at nilock ang pinto. I looked at myself again. I'm wearing this long skirt, na abot hanggang sa baba ng tuhod, and white blouse. Their school uniform is so plain... And well it's... ugly really.

Nagulat ako nang makitang nasa labas si Oyang. Kanina pa kaya syang naghihintay? He seems really pissed off, ay oo nga pala, lagi naman siyang nakasimangot eh.

"Magandang umaga." ngumiti ako ng napakalawak.

Tinignan niya lang ako ng at least three seconds tapos nagsimula na syang maglakad. What the? Talaga bang in-ignore nya ako? No one has ever done that to me before! Arghh!

1..2..3.. huminga ako ng malalim bago ko siya hinabol sa paglalakad. I tried skipping while walking para mukhang sobrang saya ko.

"Agosto na ngayon. Tatlong bwan na mula nung nagsimula ang eskwela. Hindi pa naman siguro ako mahuhuli sa mga lesson, 'di ba?" I have to keep smiling and be friendly.

Kahit inaantok ako, kailangan kong magpanggap na masigla. Kasi kung hindi baka magtaka pa sila lung bat ako antok. Bakit nga ba? Well, I stayed up most of last night just to study their dialect. Buti fast learner ako.

But seriously, unang araw ko 'to dito tapos school agad?

Hinawakan nya lang ang strap ng bagpack nya at hindi manlang ako pinansin. Seriously? What's wrong with this guy? Kahapon pa sya ah. Napaka snob, kainis.

"Ipakilala mo ako sa mga kaibigan mo ah? Siguro marami kang kaibigan." Though I doubt it, napaka snob mo.

Saglit nya akong binalingan ng tingin. He is making this a hard job for me, huh. Kung hindi lang talaga sya lumaki dito, iisipin kong may mission din syang pahirapan ako sa sarili kong mission dito. Badtrip.

I was about to ask him kung malayo pa ba ang school, nang biglang may lalaking sumulpot at inakbayan si Oyang.

"Oyang! Sisay an?" ano daw? Di pamilyar sakin yung salitang sinabi nya ah.

[Sisay an= sino yan]

"Tanungin mo sya." sagot ni Oyang. Tanungin ang alin?

"Magandang umaga. Anong pangalan mo? Magkasintahan ba kayo ni pareng Oyang?" lumipat sya sa tabi ko. Napagigitnaan na nila akong dalawa. Omygash bigla akong nanliit. Ang tatangkad nila e.

"H-huh?" teka sinabi nya bang magkasintahan kami? No way.

"Tss" napalingon ako sa katabi kong snob. Sa buong time na magkasama kami, ganyan na sya, nagsusungit. Parang time of the month nya ngayon. Bat ba ang init ng dugo nya?

Binalik ko ang tingin ko sa lalaking mukhang kaibigan ni Oyang. (wow, may kaibigan pala talaga sya)

"Hindi kami magkasintahan. Haha." napakamot ako sa kilay ko. "nangungupahan ako sa maliit na dorm na pagmamay-ari ng pamilya nila."

"Ah. Kung ganon. Meron pa akong pag asa?" biro nya sabay tawa. "Ako nga pala si Lino. Lino Pontagioso." ngumiti sya at lumabas ang isang dimple.

"Haha. Nata--" muntik ko nang masabi akong totoong pangalan ko. "Tasha--ng." I flinched at that name. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwalang ang maganda kong pangalang Natasha ay naging Tasyang.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon