Natasha's POV
"Saan ba kasi tayo pupunta, Oyang?" tanong ko kay Oyang dahil kanina pa kaming naglalakad,
"Malapit na tayo." sabi nya lang, ang galing nya ang tinatanong ko kung nasaan na, hindi kung malapit na ba kami o malayo pa.
Nasan na ba kasi si Ligaya? Never na-mention sakin ni Mutya na mute and deaf ang kapatid nyang si Ligaya. Nakakalungkot naman. Nasan na kaya sina Mutya at Lino?
Gustuhin ko man silang tawagan, but what a perfect time to have our cellphones left at home. Great timing.
Pero naisip ko din, nagkabati na kaya si Lino at Mutya? Maybe yung plan ko na pagbatiin sila by letting them talk while we hide behind a tree did not work out, but this happened.
Nabalik ako sa realidad nung ma-realise ko na pamilyar na yung dinadaanan namin. Teka, ito na yung daan papunta dun sa lumang playground.
Sa di kalayuan ay natanaw namin si Mutya at Lino. Magkasalubong na pala kami ng pinupuntahan.
Tumakbo na ako palapit kay Mutya at dali-dali ko syang niyakap.
Lalo syang naiyak dahil sa pagyakap ko sa kanya.
"Tasyang..." humihikbing sambit nya,
"Wag kang mag-alala Mutya, mahahanap din natin si Ligaya." sabi ko sa kanya at bumitaw na ako sa pagyakap.
"Wala na akong ibang maisip na pwedeng mapuntahan ni Ligaya bukod dito." sabi ni Lino at umakyat kami paakyat sa lumang playground,
Naiyak lalo si Mutya nung makita naming wala si Ligaya sa playground.
"May iba pa bang alam na puntahan si Ligaya, Mutya?" tanong ni Oyang,
"Wala na akong ibang maisip eh. Kasalanan ko to, kung inalagaan ko sana sya ng ayos, pano kung may nangyari ng masama sa kanya--" pinutol ko na si Mutya sa sinasabi nya,
"Mutya, wag mo namang sisihin ang sarili mo. Tara maglakad-lakad pa tayo, makikita din natin si Ligaya." sabi ko,
Naglalakad na kami paalis sa playground nang biglang mapahinto kami dahil may tumatawag kay Mutya.
"Mang?" sabi ni Mutya nung masagot nya yung tawag, "Di ko pa nahahanap si Ligaya, Mang. Asan...asan na kaya yun?...Ha? Ano, mang?....Hayy. Bakit nya ba ginawa yun?....sige mang, mabuti naman kung ganun. Hayy, salamat naman."
"Nahanap na daw si Ligaya." sabi ni Mutya kaya napangiti naman ako at agad na pinahid ang luha nya,
"Bwisit na bata yun, buti na lang kakilala namin yung tricycle na sinakyan nya kung hindi ewan ko lang. Nakooo talagang nanggigil ako sa batang yun. Kokotongan ko yun, nakuu." sabi nya habang humihikbi pa rin,
Talagang si Mutya pa din sya after all, brutal.
"Hahaha, oh kalma na, Mutya. Okay na, nahanap na sya." sabi ko
"Hindi Tasyang, naloka ako eh. Naloka ako sa batang yun. Di ko alam gagawin ko pag nawala yun. Nakakagutom eh, naaamoy ko na yung adobo." sabi nya kaya napatawa na talaga ako sa kanya, katakawan is real
Napahinto kami lahat dahil nagsimula nang umulan, kumulog at kumidlat pa. Waaaah
"Tara, humanap muna tayo ng masisilungan." sabi ni Lino at nagdali-dali na kaming tumakbo,
"Teka." pagpigil samin ni Oyang,
"Sa bahay namin dati na lang tayo pumunta, malapit na yun dito." sabi ni Oyang at tumakbo kami sa kabilang direksyon papunta sa dati nilang bahay
BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Novela JuvenilTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...