Yumi's POV
Hanggang ngayon ay nagpapaulit-ulit parin sa akin ang salitang ' LIKE YOU ' pati narin ang ' LODI at MALUPET SI YUMI" na sinabi sa akin ni Heyl kahapon. Sabihin na nating kinilig din ako dun at aminado naman ako.
《 Flashback 》
" Are you fooling me? " Seryosong tanong ko kay Heyl. Nagtikhiman naman sina Charles dahil mukhang alam nyang naiinis nako kay Heyl. Tinanong ko iyon sapagkat alam kong magaling sa lokohan itong kumag na'to.
Mukha naman talaga.
Ngumiti sya. " Seryoso ako. Maganda parang ikaw "
Halaaa! Hula namumula na naman akooo!
" Sana hindi ka na lang nambola! " Sumingit na naman itong Cass na'to. Psh. Pilosopo talaga, hindi naman kausap.
Ayos na e. Sumingit kapa!
" Kasi gusto mo ikaw ang masabihan ng maganda! " pambabara naman ni Harry.
" Malamang! Alangan namang ikaw ang sabihan ng maganda diba? " Nagtalo pa sila kaya inirapan ko na lang sila at saka ako muling tumingin kay Heyl. Nakangiti sya sa dalawa, mukhang natutuwa sya kayna Harry at Cass. Samantalang ako naman, Mmm... Iyamot na.
" Bagay kayo " komento nya. Kanina ko pang iniisip kung sadya bang ganito ang ugali ng Heyl na'to? Ang makisali sa landian. Psh.
" Tao kami " Pilosopo talaga ang Cass na'to kaya malas mo kapag yan ang kausap mo. Napailing na lang ulit ako. Dahil kung tutuusin hindi ka mananalo kapag kami na ni Cass ang kausap mo. Nag asaran pa sila bago ako sumingit sa usapan. Nakakarindi na.
" Hindi ba nauubos yang mga laway nyo? Kanina pa kayo eh! " saway ko sa kanila kaya naagaw ko ang atensyon nila.
" Bakit ang iyo ba nauubos? " Si Cass na naman.
Sabi ko nga!
" Nonsense "
" Ang KJ mo kasi! " Sabay-sabay pang sigaw sa harap ko nina Cass, Harry at Charles. Tama sila, isa yan sa ugali ko, ang pagiging KJ. Hindi kasi ako nakikisali sa mga bagay na hindi naman mahalaga. Pinahahalagahan ko kasi ang quotation ko na...
" Time is Life " Yeah right. Yan ang aking quotation. Kakaiba at walang katulad. WHAHA!
" Time is Life? " Natatawang tanong ni Heyl. Hindi ako sumagot. Nagtanguan naman sina Cass dahil alam na nila ang kasabihan kong yan. " Baka Time is Gold "
" Psh. Sasabihin ko pa bang TIME IS LIFE kung mali ako? " Napakamot na lang sa sintido si Heyl dahil mukhang narealize nyang ang laking tanga nya.
" Then why? "
" For me, Time is life. Dahil ang oras sa akin ay mahalaga parang buhay. Ang buhay ay mahalaga dahil ito ay binigay sa atin ng Diyos. Wala tayo sa mundong ito kung wala tayong buhay kaya dapat natin 'tong pahalagahan. " Napanganga naman si Heyl sa mga sinabi ko. Samantalang sina Cass naman ay Same reaction lang. " Bakit? Mas mahalaga ba sa inyo ang kayamanan kaysa sa buhay? " pagkasarkastiko ko. Mukha kasi sa itsura nila na nabaguhan sila sa mga narinig nila dahil kalimitan talaga ay laging TIME IS GOLD.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...