Chapter 16

12 0 0
                                    

Yumi's POV

" O-okay ka lang? " nag-aalalang tanong ni Cass na sinilip pa ako pero hindi ko sya sinagot dahil hindi parin ako makarecover sa nalaman ko.
" Hoy! Ano ba! B-baka wala kang kausap di-----! "

" C-crush nya ako? " wala sa sariling sagot ko kaya naman napalingon pa ako kay Cass. And as usual, nagulat sya sa sinabi ko. " C-crush nya din ako Cass! " hindi makapaniwalang dagdag ko pa kaya lalong nanlaki ang mga mata nya.

" H-huh? N-nino naman? "

" Ni H-heyl! "

" Paano mo naman nasabi!? "

" Look at his chat. " at ipinakita ko na nga ang chat ni Heyl.

" Eh, Pst! at yung isa lang naman ang chat nya e. Haha! " at tumawa sya ng malakas.

Di man lang kasi tiningnan sa unahan!

" Look, eto pa oh! Basahin mo yan! " at iniscroll ko yung chat ko. Binasa nga nya.

" O-oo nga no!? "

" Diba? So, He have crush on me? "

" P-pero diba, c-chain mail yan? "

" Oo. "

" Ibig sabihin, h-hindi totoo yan. "

Hindi talaga sya boto. Hays!

" I know. Pero nagreply naman sya sa chain mail na yun diba? Ibig sabihin nun, may gusto talaga sya sakin kasi kung wala, maaari naman ang ireply nya sakin ay yung Hello kasi yun ay boybestfriend diba? Eh bakit yung PST! pa? Hindi naman sa nag-aassume ako, dahil hindi naman ganito ang magiging reaction ko kung... h-hindi sya nagreply ng ganun. " nakangusong paliwanag ko sa kanya pero blangko lang ang naging itsura nya. Nakatingin lang sya sakin na para bang nag iisip kaya naman umayos ako ng pwesto at humarap sa kanya. " Umamin ka nga, Cass. H-hindi ka ba masaya para s-sakin? "

" A-ano ba ang s-sinasabi mo? "

Wag ka munang magkunwaring slow pleaseee!?

" L-look, k-kanina ko pang napapansin na hindi ka m-masaya nung nalaman mong may feelings ako kay H-heyl. Gusto ko lang malaman kung bakit? Dahil hindi ka naman ganyan ah! Noon ngang kay N-nash, b-boto ka e. "

" M-masaya kaya ako para s-sa inyo. S-support ko nga ang loveteam nyo e. " naiilang na sagot nya kaya naman nanlumo ako.

" Masaya? Eh bakit, naiilang ka? Cass, naiintindihan kita if you are not voted to Heyl, pero gusto ko magkaroon ka ng kahit na konting dahilan kung bakit diba? Yung valid and accepted reason. " nangingilid ang luhang paliwanag ko sa kanya kaya naman naiiwas nya ang paningin nya. " Cass? If you want me to be happy, eto na oh! Bumalik na ako sa dating ako, kaya Cass? B-bakit hindi ka boto sa kanya? "

" N-nasabi ko na sa'yo kanina sa locker, hindi ba? B-baka kasi p-playboy sya at yun ang maging d-dahilan p-para m-masaktan ka ulit. " sabay lingon nya sakin. " Look at him, Yumi. N-natatandaan mo pa ba yung first time we met him, yung sa cheering squad? " tumango ako sa kanya. " His treatmeant to them is different. "

Huhu! Yun din ang napansin ko nung una.

Yun talagang part na yun ang nahalata ko na medyo may pagka-playboy si Heyl pagdating sa mga babae at yung sa parking lot na kaming dalawa lang tapos dumaan sina Elise kasama din si Mica tapos kinuha yung number ni Heyl.

" Naturn-off din ako kay H-heyl pero syempre may mga tao lang talaga sigurong ganun ang treatment sa babae, oo, napapagkamalan natin silang playboy pero malay mo ang totoo, hindi lang talaga sya snobber. " napabuntong hininga naman sya kaya nagtuloy ako. " Saka sabi din naman nyang, loyal sya at wala pang ex. " nakangiting dagdag ko pa at ngumiti naman sya ng pilit.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon