Heyl's POV
Nang sabihin iyon ng emcee ay lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero dumami ang tanong sa aking isipan.
Ano kayang itatanong sakin?
Madali kaya o mahirap?
Masasagot ko kaya ng tama?
Tungkol naman saan? Hays!!
Nakailang buntong hininga din ako bago magtama ang paningin namin ni Yumi.
“ Boi are you okay? Kinakabahan ka ba? ” nag-aalalang tanong sakin ni Yumi.
“ Oo kinakabahan ako. Sobra. ”
“ Don't worry, masasagot mo ng ayos yung tanong sa'yo. Trust yourself. ” nagpapalakas ng loob na sabi nya. Pero diko alam kung bakit nababawasan nga ang kaba ko.
Paano nya nagawa yun?
Ngumiti ako. “ Thank you. Pinapalakas mo ang loob ko. Sige, iisipin ko lahat ng sinabi mo sakin. ” nakangiting sabi ko pa sa kanya. “ lalo kana. ” dagdag ko. Nakita ko kung paano syang namula at nagulat sa sinabi ko.
Ganyan nga Yumi, malapit na kitang mapahulog sakin at hindi ako mahihirapan sa balak ko.
Kahit ako ay nagtataka kung bakit minsan may dadaan na naaawa ako sa mga taong tinatarget ko pero kung minsan naman ay natutuwa ako dahil sila ay naloloko ko.
Nagsimula na ang Q & A at nauna ang freshman na lalaki. Pumunta sya sa unahan at nagpakilala. Pagkatapos nyang magpakilala ay naghiyawan ang mga estudyante habang sya ay nabunot ng tanong sa box. Natahimik ang lahat. Kahit ako kinakabahan para sa kanya.
“ This is your question.... ” at sinabi na nga ng emcee ang tanong sa kanya. Sakto oang naman para sa kanya yung tanong dahil nga freshman sya kaya tungkol iyon sa school. Nasagot naman nya ng tama kaya kahit ako ay napapalakpak.
Sumunod ay yung partner nya. Tulad nung lalaking freshmen ay medyo pambata yung tanong pero hindi naman totally pambata. Kumbaga, ang mga tanong sa kanila ay mahihirap. Na talagang kakabahan ka.
Ano pa kaya sa amin?
Lalo akong kinabahan sa naisip ko.
Kung sila nga ay nahihirapan na sa tanong, ibig sabihin mas mahirap ang amin?
Tiningnan ko naman si Yumi at halatang kalmado lang sya habang nakatingin sa nakasalang.
Ganun ba talaga sya kasanay? Na lagi syang nakakasali dito?
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...