Heyl's POV
D*mn! Nakakabwiset talaga yung babaeng yun! Sa sobrang kakapalan ng mukha, kahit sa sarili man lang nya hindi na sya nahiya? Hindi naman sya ganun dati!
Friday ngayon, at kasalukuyan na kaming nasa canteen lahat para mag lunch. Katatapos lang ng aming naging sagutan sa room ng girls kanina. Ending, nag-walkout si Trixs.
" Hoy! Sabi ko kumain ka na! "
Nagulat naman ako sa sigaw ni Charles na iyon. Tiningnan ko naman ang mga kasama ko at nakita kong lahat sila ay nasa akin ang atensyon kaya naman napapahiya akong bumaling muli kay Charles.
" A-ahh. Haha. Oo " napapahiyang sagot ko at saka ako nagsimulang kumain.
" Kung anu-anong iniisip, kaya lutang palagi. " prangkang sabi ni Charles kaya naman nginitian ko na lang sya.
" Okay ka lang ba boi? " nagulat naman ako sa boses na yun at nagtama ang paningin namin ni Yumi.
Nag-aalala ba sya?
" Oy! Kung okay ka lang sabi!? " natatawang tanong nyang muli kaya naman napatitig ako sa kanya.
Minsan ko naring napansing, napapadalas na ang pagngiti ni Yumi. Dati kasi, nung una ko syang makita, halatang ang sungit-sungit nya tapos mahahalata mo talagang KJ sya. Pero while time passing by, lahat ng nakita ko dati ay unti-unti ng nagbago. Alam kong napapansin na rin yun ni Cass, ewan ko lang sa dalawa ko kaibigang sina Harry at Charles.
" Y-yeah. "
" Haha. Para ka kasing hindi okay e. "
" No. I'm okay. You don't have to worry. "
" Okay. Continue eating. " nakangiting sabi nya bago sya bumaling sa kinakain nya. Tumango naman ako at nagtuloy na rin.
" May hindi sinasabi yung isa dyan. " narinig ko namang nagsalita si Cass kaya naman napatingin ako sa kanya.
" Sino? " nagtatanong na sabi ni Harry. Nginisian naman sya ni Cass.
" No worries, hindi ikaw! " sarkastikong sagot ni Cass.
" Bakit? Sinabi ko bang ako? "
" Hindi naman, pero wala naman akong sinabing, sinabi mo na ikaw! "
" Para nagtatanong lang! "
" Wag ka na lang kasi mag-open ng topic, kung ayaw mong may magsasalita sa mga walang kwenta mong sinasabi. "
Oh!
Napatingin naman kaming lahat sa pagprangka ni Charles, halatang nagulat din naman si Cass sa sinabi nito.
Masyasong harsh. Haha.
" Papansin! " nakangising dagdag pa nito.
" Hoy! Charles Denally! Foul yun ah! "
" So? "
" Wew! Teka nga! Hindi naman kayo kasi ang sinasabihan ko, si Yumi naman kasi. "
Si Yumi?
" Ako? " gulat na tanong ni Yumi, kaya naman pati sina Harry at Charles ay nagulat din.
" Baka hindi! Baka eto si Yumi! " turo nya sakin.
Kayrami-raming ituturo, ako pa talaga?
" Haha! Edi sige, sya si Yumi. " natatawang sagot sa kanya ni Yumi habang nakatingin sa'kin.
" Yan! Tulad nyan! "
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...