Cass POV
" Wew! Akala ko naman. Teka! Natahimik yata kayo Harry at Charles? Yan ang hirap sa HINDI wattpader e. OP! WHAHA! " Pang aasar ko kayna Harry at Charles, nagtawanan naman sila maging sina Yumi at Heyl. Napatingin naman ako kay Yumi dahil ngayon ko lang sya ulit nakitang ngumiti ng ganun kaganda. Napatingin naman sya samin, at maya-maya ay nawala ang mga ngiti nya sa labi.
Sumeryoso sya. " Why are you staring at me, like that? "
Hindi ko napansin na ganun din pala sina Heyl, Charles at Harry na nakatingin sa kanya habang nakangiti pa.
" Ngayon lang ulit kasi namin nakita nina Harry at Charles ang ganyang mga ngiti mo. " sagot ko at saka ngumiti ng may pait sa labi. Nalulungkot ako para sa kaibigan ko dahil kahit anong pasaya ang gawin namin sa kanya ay talagang ganyan sya. Kaya nga pag nakikita ko si Nash. Naiiyamot ako.
" Psh! " Singhal nya. At saka nagkutingting sa cellphone nya.
Magwa-wattpad 'to.
By the way, before anything else. Ako nga pala si Casmile Perez pronouncing " Cazamayl " a.k.a " Cass " 15 years of age. Isang Philosopher. Magaling kasi ako sa pamimilosopo.
Syempre ang totoo hindi ako philosopher, aba mahirap kayang course yan. And, kaibigan ako ni Yumi since First year. Pero ang tingin sakin ni Yumi ay hindi kaibigan, dahil sabi nya wala syang tinuturing na kaibigan dahil minsan na syang trinaydor, like Trixs. Nauna pa kasi nyang nakilala si Trixs kaysa sakin pero syempre ang turing ko kay Yumi ay kaibigan at never ko syang ta-traydorin.
" Kaasar naman! " naagaw ni Yumi ang tensyon namin nina Heyl dahil sa pagsasalita nya habang nakatingin sa cellphone.
" What's wrong, Yumi? " Nag aalalang tanong ni Heyl.
" Ehem " Pang aasar ko, sinamaan naman ako ng tingin ni Yumi. Nag peace sign naman ako sa kanya.
" Eto kasing season 3 sa He's into her, puro Possessive Series. Psh! "
Yaaaaaahhhh! Kadirdir!
" Eh? Talaga? " parang masaya pa si Heyl. Kaya naman napakunot kami ng noo nina Yumi sa kanya.
" Wag mong sabihing... Yaaaahhh! Kadirdir ka naman Heyl! " Ngumisi naman sa amin ng nakakaluko si Heyl.
" So, totoo nga Heyl? Psh! Kadiri ka naman! " Para tuloy naturn off kami ni Yumi sa kanya.
" Lalaki kasi kami. " Sagot naman ni Heyl sa amin. Napataas naman ang kilay ni Harry.
" Wag lahatin " si Harry. Natuwa naman ako dahil crush ko talaga si Harry matagal na.
Simula ng maging kaibigan namin ni Yumi sina Harry at Charles ay nagustuhan ko na si Harry kahit na naging MU sila ni Yumi dati. Hindi ako nagalit sa kanila. Ang nagustuhan ko kay Harry ay ang kanyang pagiging inosente kahit na nambabara sya. Mabait sya at napaka maalalahanin sa lahat ng bagay. Yun nga lang hindi nya alam na may gusto ako sa kanya, dahil natatakot ako na baka iwasan nya ako at magalit sya.
" Bagay kayo magsama ni Charles! " singhal ni Yumi kay Heyl kaya naman napatawa sa kanya si Charles.
" Para tuloy gusto ko ng mag wattpad " ngingisi-ngising sagot ni Charles kaya naman nandiri kaming dalawa ni Yumi.
" Alam kong gusto rin nina Cass at Yumi ang mga ganyan! " nakangiting pang aasar ni Heyl kaya naman nagtawanan silang tatlong lalaki.
What the???
" Baka nga gusto namin ni Yumi! " Asik ko sa kanila, nang tingnan ko si Yumi ang sama na ng tingin nya sa mga lalaki.
Galit 'to.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...