Chapter 17

11 0 0
                                    

Heyl's POV

" Narinig mo sila? How sweet we are daw! " nakangiting sabi ko kay Yumi at nagulat naman sya kaya naiilang na napatungo na lang sya sa pathway.

" B-bakit nga pala pst! yung reply mo kanina? " pag-iiba nya ng usapan ngunit mahahalata mong naiilang sya.

Bakit di mo tingnan?

" Ah. That! Dahil, mmm... " huminto muna ako at tumingin sa daan. " Siguro... dahil crush kita? " sabay lingon sa kanya.

Nung mapatingin ako kay Cass ay napapansin kong kanina pa syang walang kibo, nakakapanibago dahil kung gaano sya kaingay nung mga nakaraang araw ay sumobra naman ang tahimik nya ngayon.

" Are you okay? Para kasing ang tahimik mo? " tumingin lang sya sakin. " Nakakapanibago lang. "

" May dahilan ba ako para mag-ingay? " salubong ang kilay na sagot nya kaya naman napapahiyang umiling ako. " Tss. "

Para nagtatanong lang e.

Sinenyasan naman ako ni Yumi na manahimik na lang dahil baka lalo daw magalit si Cass kapag kinulit ko pa.

Hanggang sa makarating kami ng Parking lot ay tahimik lang talaga si Cass kaya naman napaisip pa ako.

May nagawa ba ako?

Basta na lang sumakay si Cass at umalis na. Walang paalam samin. WALANG PAALAM!!

" Anong nangyari dun? " kakamot-kamot sa ulong tanong ni Charles. Tumingin naman kami kay Yumi pero nagkibit-balikat lang sya.

" I think she have a difficult problem. " sabat naman ni Harry na nakatingin pa sa dinaanan ni Cass.

" I guess. Dahil hindi naman sya ganyan diba? " bumuntong hininga pa ako." Nakakapag-alala lang. " napatingin naman ako kay Yumi at nakatingin lang sya sa dinaanan ng kotse ni Cass at makikita mo talaga ang lungkot sa mata nya. " Any problem? "

" H-huh? W-wala. Ayos lang ako. "

" Are you sure? Bakit parang ang lungkot mo? "

" M-may naisip lang ako. "

Talaga ba??

" Yung mga naglilihim dyan ha! Naku! Nakakabwisit! " pagpaparinig naman ni Charles kaya napatingin kami sa kanya.

" Haha. Napapaano ka na dyan? " natatawang sabi sa kanya ni Yumi.

" Kayong dalawa! "

Ano na namang trip ne'to. HAHA!

" Ay!? " sagot ko.

" May palihim lihim pa kayo! "

" Kaya nga. " sang-ayon sa kanya ni Harry.

" A-ano ba kayo? W-walang ganun. "

" Wag nga kami, Boi! Shhkk! Mismong sa mga bibig nyo na nanggaling, crush nyo ang isa't isa. " deretsong sagot ni Charles samin kaya naman natawa pa ako.

" H-hehe. " sagot ko na lang at muling tumingin kay Yumi. " Paano ba yan? Medyo late narin. "

" Oo nga e. " sabi nya pa at tumingin sa relo nya. " Mauuna na ako, may pupuntahan pa kasi ako, somewhere. "

Saan naman kaya?

" Saan naman? " tanong ni Harry sa kanya habang may tinitingnan sa cellphone nya.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon