Chapter 30

7 0 0
                                    

Heyl's POV

Sa dalawang araw na weekend, si Audrey lang ang kasama ko, kasama kong gumala, kumain sa labas, kausap. Sa madaling salita, date.

Monday ngayon at kasalukuyan akong nasa bahay pa habang kumakain nang magring ang cellphone ko.

* RING! RING! RING! *

Kinuha ko yun sa bulsa at sinagot ang tawag ni Audrey.

Good morning, handsome. ” panimula nito. Nangiti naman ako.

Morning. Napatawag ka? ”

Mmm.. Ang totoo nyan, maaga ako ngayon. Nasa school na nga ako e. ”

Agad?

Ang aga naman? ”

Kailangan e. So, yun nga, wag mo na akong intayin sa parking lot. So, sige bye. Take care. ” sasagot oa sana ako pero binabaan na nya ako.

* TOOT! TOOT! TOOT! *

Masayang kasama si Audrey. Hindi ka maboboring dahil nga madaldal din sya. Naikwento na nya sakin ang buhay at kung ilan na ang naging ex nya at sabi nya...

Hindi na nya mabilang. Haha.

Natawa naman ako ng maalala ko yung bawat pag-uusap namin. Nakakatuwa dahil nakakilala ako ng tulad nya.

Mukha masaya ka iho ah. Sino ba yung tumawag? ” nakangiting tanong sakin ni Manang Lynda.

Friend of mine, Manang. haha! ” natawa naman sya. “ Manang? Aalis na po ako. Kayo na po ang bahala dito. ”

Lagi naman iho. Haha. Sige na baka mahuli ka pa sa klase mo. ” paalam nya. Ngumiti naman ako bago umalis. Habang nagda-drive ako biglang pumasok sa isip ko sina Boi.

Miss ko na kayo mga boi. Kahit na may nakilala akong Audrey, hindi parin niya kayo matutumbasan at wala ng tutumbas pa sa inyo dahil nag-iisa lang kayo.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon