Yumi's POV
Goodmorning MONDAY!!
Ipinark ko na ang aking kotse sa parking lot ng FIS, masyado pang maaga pero bumaba na rin ako ng sasakyan at dumiretso sa room.
Habang naglalakad ako ay may naririnig akong nagbubulungan na tatlong babae. Hindi ko na sila pinansin pero bigla kong narinig ang pangalan ko kaya naman nagkadahilan ako upang tumigil sa paglalakad.
" YUMI IS SO FLIRT! "
" YEAH, DID YOU HEAR SOME ISSUES ABOUT HER? "
" WHAT IS IT? "
" THEY THINK NA MAY CRUSH SI YUMI KAY HEYL. "
" But, it's only they think. " sarkastikong sabat ko kaya naman nagulat sila nung mapatingin sakin. Para naman silang mga nahihiyang nagsitunguhan. " Kung crush ko man sya, you don't care. Yun ngang libo-libong babaeng naghahabol sa kanya, pinakelaman ko ba? Sinabi ko rin bang FLIRT sila?
" S-sorry, Yumi. "
" Hindi na m-mauulit. Promise. "
" Don't be sorry, if you are not serious. " yun lang at tinalikuran ko na sila. Naririnig ko pa silang nagsisihan pero diko na pinakinggan.
Leche!
Nang makarating ako sa room, wala pang katao-tao masyado pa kasing maaga kaya naman naisipan kong pumunta na lang sa tambayan. Nang pagbaling ko patalikod....
" Good morning " pagbaling ko, nagulat ako ng makita kong nasa harap ko na mismo ang ngiting-ngiting si Heyl.
Eh?
" Mukhang nagulat ka yata? "
Sa tingin mo, sinong baliw ang hindi magugulat sa ginawa mo? Psh!
" Mukha bang hindi nakakagulat ang ginawa mo? " pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Ngumiti naman sya.
" Mmm... I think, nakakagulat nga, dahil look. Hanggang ngayon bakas parin ang pagkagulat mo. "
Leche ka!
Sinamaan ko sya ng tingin. " Sorry. I'm just kidding. " ngumiti na naman sya. " Wala ka naman sigurong gagawin diba? Masyado pang maaga kaya kung pwede. Gala muna tayo. "
Gala lang, walang tayo
Diko na sya pinansin, nilampasan ko na lang sya at kusa na lang akong naglakad. Ramdam ko pa syang sumunod pero diko na sya nilingon. Maya-maya lang ay nakasabay ko na sya sa paglalakad.
" Bakit parang, wala ka yata sa mood? " tanong nya ng makarating kami sa tambayan. Diko sya sinagot kaya naman muli na naman syang nagsalita. " Any problem? " nakangiti ngunit sinserong tanong nya.
Sinabihan kasi ako ng MALANDI, dyan sa tabi-tabi!
Hindi ko sya pinansin at naupo na lang ako sa may bench. Tumabi naman sya. May naramdaman akong kakaiba pero pinigil ko ang sarili ko para hindi nya mahalata. Hanggang sa naisipan ko ng magsalita.
" Kaano-ano mo si Trixs? " diretsong tanong ko habang nakatingin sa kawalan. Ramdam kong nagulat sya pero di ako lumingon.
" N-nothing? "
Bakit nauutal ka?
" Haha. Okay. "
" Bakit mo natanong? "
" Nothing? " pang-gagaya ko pa. At saka natawa ng bahagya. Ngumiti naman sya kaya naiiwas ko ang aking paningin sa kanya.
Bakit ba ikaw ang kasama ko ngayonnn!!!?
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Dla nastolatkówSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...