Yumi's POV
“ Malapit na ang birthday mo, my Young Princeeeesss! ” tuwang tuwang sabi sakin ni mommy habang kumakain ako ng breakfast.
Anlayo pa naman. Tsk! O.A talaga.
“ Malayo pa mommy. ”
“ Hindi kaya. Look, ber months na kaya for me, malapit naaaa! ”
Para sa'yo lang, mom. Wag mo ako idamay.
“ Don't worry, We will do a plan with your dad para sa birthday mo. ” nakangiting sabi sakin ni mommy. Ngumiti na lang ako ng pilit.
I wish you were here.
Bigla naman akong pumikit dahil sa naisip ko. Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko.
Ano ba naman Yumi? Tama naaa! Just forget him.
Bumuntong hininga na lang ako at tumayo.
“ Mom? I have to go. Bye! ” at humalik ako sa pisngi nya. Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at umalis na ako ng bahay.
Habang nagda-drive, iniisip ko parin ang nangyari last week. Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawang yun ni Heyl dun sa mga girls, dahil base on knowing him, madikit sya sa mga babae. Sabihin na nating, malandi sa mga babae.
Wag mong sabihing...
“ Hays! Yumi, It is impossible, okay? ” sabi ko pa sa sarili ko. “ Niloko ka nga nya e. Kaya malaking imposible ang iniisip mo. ” dagdag ko pa bago ko ipark ang kotse ko sa parking lot dito sa FIS. Hindi pa ako bumababa ay nakita ko na ang kotse ni Heyl.
Kailan ba kita makakalimutan? At kailan ko makakalimutan ang nararamdaman ko sa'yo?
Bigla akong nanlumo dahil sa naisip ko. Tama, may gusto pa ako sa kanya at hindi yun mawala-wala.
Ganun na ba talaga ako katanga? Para magpakatanga sa isang tulad mo?
Kinuha ko na ang bag ko sa tabi ko at saka bumaba. Pero nang pagbaba ko ay nasa harap ko na si Nash.
“ Good morning, beautiful. ” bati nito sakin. Tinanguan ko na lang sya bilang sagot. “ Bad mood? ”
Hindi ikaw ang gusto kong makita, kundi syaaaa!
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...