Cass POV
Nagising na lang ako dahil tulog ako.
Alangan namang nagising ako ng hindi natulog, diba?
Habang nag-iintindi ako sa aking sarili biglang pumasok sa isip ko si Heyl.
Killer smile.
Sobra akong na-attract sa ngiti nya sakin. Kaya naman pagbaba ko, nakangiti ako ng hindi ko nalalaman.
" Mmm! Mukang masaya ka ngayon, ah! May boyfriend ka na ba? " tumaas naman ang kilay ko dahil sa diretsong tanong sakin ni mame.
" Wala, uy! Ayoko pa. "
" Ayaw daw? Ipakilala mo samin ng dad mo yun ah. Di ba honey? " baling nya kay dade na nagbabasa ng magazine sa sala.
" Dapat lang. Gusto namin syang makilala. "
Gusto nyong makilala? Mame, dade, gusto ko na rin po syang makilala. Kung alam nyo lang.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Kase kung tutuusin, gusto ko ng makilala ang future boyfriend ko pero eto e, wala pang nagpaparamdam.
Umupo na ako sa tabi ni mame at nagsimula ng mag-almusal. Nang biglang may pumasok sa isip ko.
" By the way, Yumi's inviting you to come to her birthday. " yeah. Sinabi sakin ni Yumi last week na invited ang parent ko sa birthday nya.
" Ayy, oo nga pala 'no? Next week na. " Si dade. Alam nila kasi ang birthday ni Yumi. Remember, freshmen pa lang kaibigan ko na sya.
" Busy kami that time but, hahabol na lang siguro kami ng daddy mo. " ngumiti na lang ako sa kanila at nagtuloy sa pagkain.
Hinatid naman ako ni dade sa school namin kasi gusto daw nya. Sumama naman si mame samin.
" You know what, okay lang naman samin ng daddy mo kung magbo-boyfriend ka o may boyfriend ka. " sabi sakin ni mame habang ngiting-ngiti. Napakunot naman ako ng noo.
Kaso nga po wala.
" Promise mame, dade. Wala po talaga. Kasi kung meron? Baka nga po napakilala ko na sya sa inyo. " sagot ko. Ngumiti naman sila sakin at hinaplos ang buhok ko.
Pagkadating namin sa parking lot ay bumaba pa sila para lang yakapin ako at halikan sa pisngi.
" Wag pasaway ah? Pagbutihin ang pag-aaral. "
" Oo naman po, dade. Sa bait kong------" naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sakin.
" Uy, Cass! " nanlaki naman ang mata ko ng paglingon ko ay si Heyl pala ang tumawag sakin.
" U-uy, H-heyl. Hehe! "
" Parent mo? Hello po! Ako nga po pala si Heyl. " nakangiting bati nito kay mame at dade.
" Hello. I'm Cass' mother. Ikaw ba yung boyfriend nya? " nakangiting tanong ni mame kaya naman nagkatinginan kami ni Heyl ng may gulat sa mukha.
Ano bang pinagsasabe mo, mame? Nililigawan nyan ang bestfriend ko!
" M-mame, no! He is my boybestfriend. "
" Ah sayang naman. " sabat ni dade.
Anong sayang naman!?
" Oo nga. Bagay pa naman kayo. Haha! " pang-aasar samin ni mame. " Oh sya, kami ay aalis na ng daddy mo. May work pa kami. Basta update us kapag kayo na. " bulong samin ni Mame kaya naman napapikit pa ako sa hiya.
Pagkaalis nila ay saka kami sabay na pumasok ni Heyl sa loob ng FIS.
" Ang babait ng parent mo 'no? Sana all. Haha! " sinabi nya yun ng may lungkot sa mga mata kaya naman nginitian ko lang sya.
" May napapansin na ako ah!?" A-ano naman? "
" Nagiging tahimik kana. Anong kinain mo? " nakangising tanong nya sakin.
" Fried rice, egg at saka tenderjuicy lang naman. " pamimilosopo ko sa kanya kaya naman sumeryoso sya.
" Grabeee! Ang galing. Makain din pala yan minsan. Haha! Anti-pilosopo. " at yun tumawa na po sya ng malakas.
Putakteng ngiti yan!
" Oo nga, try it until you succeed. " at yun iniwan ko na sya. Naglakad na ako ng mabilis ganun din ang tibok ng puso ko.
Hala? Baket nagkakaganito ang tibok ng puso ko?
" Hoy! Wait! Intayin mo ako, baliw ka! " sigaw sakin ni Heyl pero mas lalo kong binilisan.
Naiilang ako.
Dumiretso muna ako sa wash room. Wala pang tao kundi ako pa lang. Hinawakan ko ang dibdib ko. At nag-overthinking na naman.
Baket ganito na yung tibok ng puso ko? Hindi kaya... gusto na kita?
Bigla ako nagtatalon sa inis
" H-hindi pwede! Waaaaaaaa! " nagtatakbo na ako palabas ng wash room at dumiretso sa room namin. Nakaupo naman dun si Yumi.
" Okay ka lang? " natatawang tanong nya sakin pero di ko sya pinansin.
Paano kapag nalaman mo, hala! Magagalit ka sakin, Yumi.
" Uy? May nangyari ba? " nag-aalalang tanong nya pero umiling na lang ako.
" W-wala. Hehe! Napagod lang ako k-kakatakbo. " at iniiwas ko ang tingin sa kanya.
Baket kase sa daming lalaki, baket sa'yo pa heyl na panget!?
" Okay? "
Nahalata kayang nyang nagsisinungaling ako? Nevermind na lang.
Huminga ako ng malalim at saka nakangiting humarap kay Yumi.
" Napano ka? " tanong nya sakin pero umiling na nakangiti lang ako.
Calm yourself. Pilitin mong okay ka lang Ms. Great Pretender.
After ng first at second period namin, lutang lang ang isip ko sa kanya.
Yes sa kanya. Dahil sa putakteng nararamdaman 'to.
Sabay kaming lumabas ni Yumi sa room.
" Dumiretso na daw tayo sa cafeteria. Nandun na sila. " rinig kong sabi ni Yumi. Umo-o na lang ako. " Anyare ba sa'yo? Napapansin kong lutang ka na masyado? What's wrong? " tanong sakin ni Yumk habang hinahawakan ang balikat ko.
" Wala lang. T-trip ko lang. Hehe! " pagsisinungaling ko. Kaya naman nagpailing-iling sya.
Halata ba talaga?
Naglakad lang ako ng naglakad.
Akala ko ba si Harry ang gusto ko, baket napapunta kay Heyl na panget!?
Iiwas na lang ako para di nila mahalata. Whaha!
Tama yun Cass. Iwas lang ang gamot para dyan.
Dumiretso lang ako ng dumiretso. Hanggang sa may humigit na sa akin.
" Trip lang pala e 'no? Kaya pala lampas kana sa cafeteria! " sarkastikong wika sakin ni Yumi kaya naman nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa entrance ng cafeteria.
Ang layo. Waaaaaa! Hindi ka na lutang, Cass! Tanga ka na. Tanga!
" H-hehe. Trip ko lang din. Ikaw naman. Hehe! " panloloko ko kay yumi at umuna na akong naglakad pabalik.
Nakakahiya. Saka, imposible namang maloko 'tong Yumi na 'to!
Pumasok na kami ng Cafeteria. Nagtama ang mata namin ni Heyl pero agad ko rin yung iniiwas.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...