Chapter 5

16 1 0
                                    

Heyl's POV

Matapos naming kumain at magkwentuhan sa Canteen ay pare-parehas naming nilisan ito bago kami pumunta sa kanya-kanyang upuan sa may room. Hanggang ngayon naman ay naiisip ko parin yung mga pinagkwentuhan namin kanina, specially yung kay Yumi.

Unbelievable! Ang talino nya.

" Hoy! Boi! "

Ay! Pusang kalbo.

" Ano ba yun boi? Bakit ka ba sigaw ng sigaw? " gulat na tanong ko kay Charles

" Anong lagay mo at kanina ka pang ngiti ng ngiti dyan mag isa? "

What? T-tunay??

" A-ano ako baliw? "

Ngumisi sya. " Parang ganun na nga. Whaha "

" L-loko ka talaga Boi. Haha "

" Pero ano nga gang lagay mo boi? " bigla syang sumeryoso kaya naman natawa pa ako.

" Ang pangit mo sumeryoso Boi " singit ni Harry kaya naman nginusuan sya ni Charles.

Deib Lohr lang?

" At bakit naman? "

" Katulad nyan, nakanguso ka. Tsk... tsk! " sabay naman kaming natawa ni Harry kaya naman sinamaan sya ng tingin ni Charles pero Wa-effect parin. Haha

" Dami mong alam. Tsk. So, boi ano na? " natatawang baling nya sakin kaya naman ngumiti ako.

" Uhm.. Naisip ko lang kasi yung kay Yu----! "

" Type mo yun no? "

What the heck?

" Hoy! Hindi ha! "

" Sus!! " sabay pa nilang pang aasar kaya naman napakamot ako sa aking ulo at natawa sa kanila.

" It's not what you mean, okay? Humanga lang kasi ako sa kanya kaya naisip ko yung mga sinabi ni Cass. " tumango tango naman sila.

" Kung hindi nyo naitatanong, Top 1 namin si Yumi since First year pero ngayon hindi malabong sya na ulit. " pagsha-share naman ni Harry samin. Tumango naman sa kanya si Charles habang ako, eto nakanganga lang.

Wow!

" Hindi naman maitatago yun. Dahil yung pagiging tahimik nya, malalaman mo talagang may ibubuga " sagot ko at sumang-ayon naman sila.

Dumating na ang aming teacher at iyon ay si Ms. Chin kaya naman tumahimik na kaming mga boys dahil matapang talaga 'to.

Paano kaya 'tong nasasagot ni Yumi?

Pagkapasok na pagkapasok nya ay agad sa akin ang tingin nya habang nakangiti sya sa akin. Tuwing klase nya samin ay napapansin kong lagi syang nakatingin sakin kahit na bad mood sya basta mapatingin sya sakin ay nakangiti na agad.  Tulad ng nangyayari ngayon.

" Hello Ms. Chin " bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin.

" Oh Hello, Heyl Blax! " sagot nya sakin at sabay harap sa mga lalaking studyante ng naka poker face. " Good afternoon Class! " sumagot naman kami. " Boys please don't get me mad today, because I am already mad to one of your girl classmate beside to our room. Tsk! I hate her so much! "

Alam na!

" Si Yumi ang tinutukoy nito " wika ni Harry, tumingin naman kaming dalawa ni Charles. By the way, Kaming tatlo ay nasa hulihan habang ako ang nasa bungad ng daan sa gitna at ang katabi ko naman ay si Charles habang ang katabi nya ay si Harry. Tapos may katabi pa si Harry na dalawa kong kaklaseng lalaki.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon