Chapter 26

2 0 0
                                    

Heyl's POV

Sobrang saya ko dahil nanalo ako bilang Mr. Famous. Ang totoo nyan, hindi ko inaasahan na mananalo ako, ang akala ko kasi ay si Nash.

Nagsi-alisan na ang mga tao. Ganun na rin sina boi. Should I say, sina Harry, Yumi, Cass at Charles.

Hindi man lang nila ako kinongrats.

Si Yumi lang ang nilapitan nila at hindi ako. Ni hindi nga nila ako tiningnan. Sobrang lungkot ang naramdaman ko dahil sila lang ang nagparamdam sakin na tropa nila ako tapos nawala pa sila.

Kasalanan ko lahat 'to e.

Kasakuluyan akong nasa kwarto ko. Nakahiga, habang nakatingala sa kisame. Kanina pa kaming umuwi pero yung nangyari parin kanina ang iniisip ko.

Antanga-tanga ko.

Paano na lang ang magiging treatment namin sa isa't isa ni Yumi?

Pero ang totoo nyan, nakahinga ako ng maluwag dahil nakaamin na ako sa harap ng maraming tao. Nasabi ko kung ano ako. At hindi ko na kailangan magsinungaling o magtago pa.

Kaso hindi ako nagtagumpay sa pambibiktima ko sa'yo.

Sabi ko pa sa isip ko. Dahil ang balak ko sana ay ligawan sya at dun paasahin. Pero natapos lahat ang plano ko ng maaga dahil sa Q & A na yan. Pero meron naman sa loob-loob ko na natuwa dahil nalaman agad nila ang totoo lalo na si Yumi para hindi na sya masaktan ng sobra.

Crush nya lang naman ako. Anong masama kung malaman nya? Wala namang kami.

Bumuntong hininga na lang ako at natulog.

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Nag-intindi ng sarili at saka bumaba.

Ano na lang kaya ang mangyayari ngayon? Bagong buhay?

Nakangiti akong sinalubong ni Manang Lynda sa Dining. Ngumiti rin ako sa kanya. “ Good morning Manang! ”

Magandang umaga naman. Upo kana at handa na ang almusal mo. ” at sumunod ako sa kanya sa table.

Sumabay kana sakin Manang. ”

Oo ba. ” nakangiting sagot nya at naupo sa tapat ko. “ Kongrats sa iyo iho at ikaw ang nagwagi. Hindi man lang tayo nagkausap ng ayos kahapon. ” kunwaring nagtatampong sabi ni Manang. Ngumiti ako sa kanya.

Tama si Manang Lynda, hindi ko sya nakausap kahapon ng mahaba dahil pagod ako kahapon at isa pa, hindi maganda ang nangyari kaya yung pagkapanalo ko lang ang nasabi ko kahapon.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon