Chapter 10

14 1 0
                                    

Yumi's POV

Goodmorning Saturday!

Dalawang araw na ang nakakaraan matapos nung sagutan namin nina Trixs sa loob ng room. Nagagalit parin ako sa sinabi nya dahil ayaw ko naman talaga sa lahat ay yung sasabihan ako ng hindi totoo at mukhang deserving pa talaga syang panindigan ang mga sinabi nya. And that time, galit na galit din sa kanya si Heyl.

Speaking of...

Biglang pumasok sa isip ko si Heyl. Dahil ang totoo ay marami akong naging tanong sa isip ko matapos nga nung naging sagutan namin nina Trixs, actually that time ay tiningnan ko lang talagang magsalita si Heyl habang galit na galit sya kay Trixs kaya hinayaan ko na lang sya para baka sakaling may masasagot sa mga tanong ko pero ang totoo nabigo ako. Hanggang ngayon nga ay nasa isip ko parin ang nangyari at masyado pang fresh sa isipin ko lahat.

Bakit naman ganun ang treatment nya kay Trixs?

At saka bakit ganun na lang ang takot ni Trixs tuwing makikita ni Heyl ang mga kahibangan nyang ginagawa?

Bakit parang ang tagal-tagal na nilang magkakilala?

Tsk! Leche kayo! Pinag iisip nyo ko!

Ayaw ko pang bumangon dahil feeling ko tamad na tamad ako. At saka weekend naman, makakapagpahinga pa ako ng matagal. Iminulat ko ang aking mga mata at saka kinusot iyon. Nang maayos na ang aking paningin ay kinuha ko muna ang aking cellphone at nag online muna saglit.

52 messages... 2,531 Friend requests and 1, 297 notifications.

Sa totoo lang, tamad na tamad akong mag-accept ng friend requests. Parang feeling ko kasi ang hirap pindutin ng confirm. Tapos ayaw ko din maglikes.

Bigla naman pumasok na naman sa isip ko si Heyl kaya naman naisipan kong isearch sya sa Fb.

Heyl... Blax... Gabriel...

Sabi ko pa sa isip ko.

Ayun! Hehe.

Pinindot ko ang fb nya at saka pinagmasdan sya sa picture.

Maganda ang mga ipin.

Singkit ang mga mata.

Matangos ang ilong.

Maganda ang mga ngiti na talagang nakakapagpa-attract.

Sa madaling salita...

Gwapo sya.

Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang iadd sya sa fb. Pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon? Hindi ko alam dahil yung time na una ko syang nakilala, nag iba ang ihip ng hangin. I mean, may iba akong naramdaman at aware naman ako dun kung ano yun. But this time...

Secret muna.

Matapos mag online ay pinatay ko na ang wifi ko at binuksan ko naman ang aking wattpad app para magbasa. Natapos ko na ang pagbaba ng He's into Her sa loob ng kulang kulang 3 weeks. Sa ngayon, ang binabasa ko naman ay Teen Clash by Idangs. Nasa chapter na ako kung saan puro tungkol kay Ace ang POV, napangiti naman ako sa pagiging torpe nya kay Zoe.

Psh! Sabi na at sya yung survivor ni Zoe e. Tsk... Tsk... Tsk! Akalain mong napakatorpe nya? Simula una pa pala sya may gusto kay Zoe tapos iba ang treatment nya kapag magkaharap sila. Hays! Pero syempre, nakakakilig yun!

Kakasimula ko pa lang kasi basahin yan simula kahapon pagkauwi ko galing sa school.

Bitter man ako pero hindi sa wattpad!

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon