Yumi's POV
Weekdays na naman. Tinatamad na akong pumasok. Wala na kasing thrill, para kasing bawat nangyayari sa school, parang wala ng maganda.
" Are you okay? " tanong sakin ni Harry. Magkatabi kasi kami. Kami lang dalawa ang tao dito sa may garden. Napaaga kami masyado.
" Do I look not? " bumuntong hininga lang sya. At muling tumingin sa kawalan.
" Unti-unti ng nawawalan ng pagkakaisa ang pagkakaibigan natin nina Cass. Halos tayo na lang tatlo lagi ang natitira nina Charles. " yumuko naman ako at nakaramdam ng lungkot.
Tama si Harry. Kapag kakausapin kasi kami nina heyl at cass, parang sapilitan pa. Tapos, ramdam namin ang pag-iwas nila. Ayaw kong manghusga at higit sa lahat, ayaw kong paghinalaan sila kasi walang akong karapatan pero kasi parang may tinatago sila samin.
Kung meron man, ayaw kong malaman.
Ayaw ko talaga kasi alam kong masasaktan ako kapag nagkataon. Ayaw ko ng maulit muli ang nangyari sakin.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may marinig kaming mga yabag ng paa. Napatingin naman ako sa may pathway ay nakita ko dun ang dalawang babaeng nag-uusap habang naglalakad. Mukhang mga fourth year students. Hindi ko na lang sila pinansin.
" Yeah. Hindi ako pwedeng magkamali, si Casmile Perez yun at si Heyl Gabriel. " bigla naman akong napalingon sa kanilang dalawa. Mukhang hindi nila kami kita kaya nagkatinginan kami ni Harry.
Ano yun?
" Are you sure? "
" Yes. I saw them. Dun sa may Ice Cream Shop. " parang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Ayaw kong paniwalaan kasi maaaring maging tama kung ano man ang bumubuo sa isip ko.
Palayo na ng palayo yung mga babae, kaya hindi na namin narinig ang pinag-uusapan nila.
" anong ibig sabihin nila? " tanong ni Harry habang nakatingin parin sa dalawang babae. Hindi ako sumagot. Naiiyak na ako. Ayaw ko kasi paniwalaan na sabi lang ng iba. Gusto ko, ako mismo ang makakaalam o sila mismo nina Cass at Heyl ang magsasabi sakin. " Sana mali lang yung babae. "
" Sana nga. " sagot ko sa kanya.
***
Isang buwan na ang nakakaraan pero wala paring nagbabago. Mas lalong lumalamig ang treatment sakin ni Heyl ganun din si Cass. Kaya halos ang kasama ko lang ay sina Harry, Charles at Trixs. Yeah, si Trix.
After kasi ng birthday ko, naging malapit na ulit kami sa isa't isa. At sa loob ng isang buwan naging totoo sya na walang halong pampa-plastik. Kaya thankful ako kasi nagbago sya at muling bumalik ang dating Trixs.
" Alam mo may napapansin ako. " sabi sakin ni Trixs kaya napatingin ako sa kanya.
" Ano naman? "
" Don't you notice, tumataba si Cass. Look at her face. Pati narin katawan. " napatingin naman ako kay Cass. Nasa field kasi kami. Maglalaro ng volleyball.
Oo nga. Tama ka Trixs.
" Matakaw kumain e. " sagot ko sa kanya. Tumakaw kasi sa pagkain si Cass this few weeks ago.
" Sa bagay. " sagot nya. Tumingin naman sa gawi namin si Cass at ngumiti. So, I smile back.
Ilang araw ko na ding napapansin na malimit tumingin ng pasimple si Cass sakin tapos biglang iiwas. Base on her face, parang may gusto syang sabihin na ewan.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...