Yumi's POV
Nagising na lang ako dahil sa bunganga ni mommy. Sa sobrang lakas nun imposibleng hindi ako magising.
Anyare sakin?
Tiningnan ko ang gilid ko at nakita kong nasa clinic ako. Nagtaka naman ako kung bakit ako nandito. Inalala ko ang nangyari at bigla na lang ako nakaramdam ng inis.
Bakit kasi sya pa yung tumulong sakin? Ayaw ko na nga syang mapalapit pa sa buhay ko. Aish!
“ Ang kulit kasi ng batang yan! Sinabi ko ng huwag papasok pero nagpumilit. I don't know what to do if may mangyari sa kanyang hindi maganda. ” rinig kong sabi ni mommy.
Trangkaso lang naman. Tsk.
“ Medyo humuhupa na po ang lagnat na nya. Siguro po, hindi lang sya nakainom kaninang umaga ng gamot kaya uminit sya ng ganun kataas. ” si nurse Julie.
“ Pinaalala ko pa yun sa kanya bago pumasok. Ang tigas talaga ng ulo nyan. ”
S-sorry mom.
“ By the way, thank you Nash for helping my daughter. Salamat dahil nandun ka para tulungan sya. ”
Nandito pa yan? Tsk! Bakit kasi sya pa yung tumulong sakin? Edi, magkakaroon pa ako ng utang ng loob dyan!
“ Wala po yun, tita. Kahit naman po siguro iba ang nakakita sa kanya ay tutulungan sya. ”
Sa dami nga nila kanina, wala man lang naglakas loob na tulungan ako!
“ Kaya pala kanina, pinagtumpu-----! Natigil si Cass sa sasabihin. Kahit hindi ko na itanong, alam kong may sumiko sa kanya. “ A-ah. Hehe! Oo nga naman po tita. T-tama po si N-nash. ”
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...