Chapter 15

17 0 0
                                    

Yumi's POV

Nanibago talaga ako kay Cass ngayon dahil hindi naman sya ganito at mas lalong nagkakaganito lang sya kapag marami syang iniisip.

Alam kong hindi ka boto kay Heyl.

Nalungkot naman ako sa naisip ko dahil mismong kaibigan ko ay ayaw sa taong gusto ko.

" Pero kapag tama nga ang tingin mo kay H-heyl, sinisigurado kong mawawala ang pagkagusto ko sa kanya. " para namang nagliwanag ang mukha nya kaya nginitian ko sya. " Tara na. " yaya ko sa kanya at tumango naman sya.

Pumunta na kami sa room at medyo maingay pa ang mga kaklase ko kaya paniguradong wala pa dito ang next lecturer namin.

Naupo na ako sa upuan ko at ganun na rin si Cass nang biglang tumunog ang messeger ko. Kinuha ko yun sa bulsa ng palda ko at tiningnan kung sino ang nagchat.

Mommy...

We have dinner later at Choi Restaurant with your dad and grandfather. You can come at 5:00 pm. Bye my Young Princess! Mwuah.

Meeting na naman 'to.

Nireplyan ko na lang si mommy at nagtingin-tingin naman ako sa news feed ko.

Nang biglang may magchat na naman. Tiningnan ko yum at galing yun kay Elise.

Anong kailangan ne'to?

Tiningnan ko yun...

This is very enjoyable send this to your friends...

If you reply ' HELLO ' in this chat, it means you are my boybestfriend.

If you reply ' PST! ' in this chat, it means you have crush on me.

If you reply ' WEW ' in this chat, it means you are my enemy.

If you reply ' TSK! ' in this chat, it means you are my bestfriend..

So, send it now...

Chain mail!

Hindi ko yun pinansin at nagkutingting na lang ako, hanggang sa maisipan kong isend nga iyon sa mga fb friends ko para naman malaman ko kung ano ang irereply nila sakin.

Sinend ko na iyon sa mga importanteng tao at maya-maya lang ay dumating na si Ms. Baba.

Pumasok sya sa room at dire-diretso dun sa front table na may ngiti sa labi.

Napaano yan?

" Mukhang good mood yata si Ms. Chin. Haha! " bulong sakin ni Cass. Natawa naman ako.

" Mukha nga. Haha! " nagtawanan pa kami hanggang sa mapatingin sakin si Ms. Baba ng nakangisi.

" Kung titingnan nga naman, bagay nga kayo. You and him looks good. " nakangiting sabi nya sakin pero ramdam kong sarkastiko iyon kaya naman nginitian ko sya.

Alam ko na ang tinutukoy mo!!!

" Is there any problem with that? "

" Wala naman. Akalain mong may gusto ka pala dun? Sabagay, kahit naman sino magkakagusto nga sa kanya. "

Bakit? Pati ba ikaw? Tsk!

" MS. CHIN, SINO? "

" OO NGA PO! GUSTO NAMING MALAMAN KUNG SINONG TINUTUKOY NYONG CRUSH NI YUMI! "

" YOU DON'T HEARD SOME ISSUES? "

" ISSUES? "

" YES! NA ANG CRUSH NI YUMI AY SI HEYL! "

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon