Chapter 14

12 0 0
                                    

Cass POV

Hello again!

Hanggang ngayon nakanga-nga pa rin kami nina Harry at Charles kayna Yumi at Heyl dahil sa sinabi nila.

Favorite nila?

This is such unbelievable!

Yun ngang nalaman ko kanina hindi pa ako maka move on tapos may bago na naman???

Hindi talaga ako makapaniwalang ang isang Yumi ay magkakagusto kay Heyl, hindi naman sa ayaw ko, meron lang kasi akong napapansin kay Heyl pero parang ayaw ko naman talagang isipin at sabihin yung nalaman at nakita ko kahapon.

《 Flashbacks 》

Habang nagmamaneho ako pauwi ay bigla kong nakita ang sikat na Resto na malapit sa FIS, dahil sa gusto ko na ulit makain ang mga uri ng pagkain dito ay naisipan kong dumaan muna saglit.

Ipinark ko ang kotse ko at pumasok nako sa entrance.

" Good afternoon Mam! " bati sakin ng guard. Tumango naman ako at ngumiti.

" Good afternoon. " at tuluyan na nga akong pumasok sa loob.

Dun ako pumwesto sa malapit sa bintana para kita ko ang view ng dagat.

Sobrang linaw ng tubig dun na nakakapagpa attract sa mga tao.

Kinuha ko naman ang menu sa table at pumili ng o-orderin. Tinawag ko naman ang waiter at sinabi ang aking order na bigla akong mapatingin sa entrance.

Si Elise.

Hindi nya ako nakita dahil sa cellphone sya nakatingin. Sinundan ko pa sya ng tingin hanggang naupo sya sa likod ko. Dibale ang naging pwesto ay, isang lingon ko lang patalikod ay magkaharap na kami.

Sino naman kayang kadate ne'to?

Pake ko ba?

Kaya naman ng dumating na ang order ko ay nagsimula na akong kumain.

Habang kumakain ay may dumaan sa gilid ng mata ko. Parang familiar sya kaya naman naiangat ko ang tingin ko.

Sino yun?

Nakatalikod sya kaya naman hindi ko marecognize kung sino sya kaya naman hindi ko na pinansin pa.

Bahala sya. HAHA!

Muli akong bumalik sa aking pagkain.

Ang sarap talaga ne'to!

" Ayaw mo nun? Masasaulo ko? "

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa familiar na boses na iyon kaya naman ng lumingon ako sa likod ay nakita ko yung waiter na kakaalis lang kaya naman nang makaalis sya dun ko lang pinagmasdan kung sino nga ba yung kausap ni Elise.

" Thank you. " nakangiting sagot ni Elise dun sa kausap nya. Pero hindi ko talaga marecognize kung sino yung kausap nya.

Kaya naman iiling-iling na lang ako na bumalik sa kinakain ko.

Ang sarapppp!

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon