Heyl's POV
Sa totoo lang, naiiyak ako ngayon dahil nalaman ko na ang totoo kung bakit ko lahat ginawa yun. Masyado akong nabulag, masyado kong pinaniwalaan ang salitang PLAYBOY sa sarili ko at masyado kong ikunulong ang sarili ko sa mga bagay na akala ko, hindi mangyayari pero ngayon eto na ako, at sigurado na sa lahat.
Linggo, nandito ako ngayon sa kwarto habang nakahiga at nakatitig sa kisame at malalim ang aking iniisip.
Kamusta na kaya sya?
Sa totoo lang, isang linggo ding absent si Yumi sa klase. Sa loob ng isang linggong yun ay puno ng pag aalala ang naramdaman ko. Pero akala ko, noong malaman kong hindi sya makakapasok, ay magiging masaya ako at makakalimutan ko lahat pero ang totoo, sobrang hirap ng lahat.
« FLASHBACK »
Wala sa sariling naglakad ako papuntang tambayan at naupo sa bench dun at nag-isip- isip para masagot ang lahat ng katanungan sa aking isip.
Bakit nga ba kailangan kong maramdaman ang lahat ng 'to? Bakit sobrang labis na lang ang pag- aalala ko?
Hinawakan ko pa ang ulo ko dahil sobra na ang aking pagkalito. Pagkalito sa lahat ng nangyari ngayong araw na ito at inisip lahat ng mga linyahang binitawan namin ni Trixs
“ Haha! Look at yourself! Sino kaya sa inyo ni Yumi ang malandi? Sino sa inyo ang desperada? At sino ang assuming? Hindi ba't ikaw? ”
***
“ Akala ko ba wala ka ng pakialam sa Yumi na yun ha? Diba niloko mo sya. Pinaglaruan at pinaasa. Haha! ”
“ S-shut your fucking mouth! ”
“ Haha! Nakakaawa naman kayo. Wag mo sabihing may pake ka pa sa kanya? Ano yun, tangahan lang kayo? ”
“ Anong gagawin mo kapag sinabi kong concern ako sa kanya? At worried ako sa ginawa mo sa kanya kanina? Kapag ikaw, nakita kong ginugulo mo na naman sya, baka pati QWERTY keyboard ipa-alphabet ko sa'yo. Naiintindihan mo? ”
***
“ Ito ang itatak mo sa kukote mo! Kapag may nangyaring masama kay Yumi, pasensyahan tayo sa magagawa ko sa'yo dahil baka itong loob ng FIS, mamiss mo isama narin natin 'tong mundo. At kung hindi mo kayang tandaan dyan sa kukote mo, kahit isulat mo sa memo mo para naman may mabasa ka araw-araw at baka sakaling maintindihan mo. ”
Mas lalo akong nalito sa sarili ko. Sinabunutan ko na mismo ang sarili kong buhok dahil sa sobrang pag-iisip ko na gustong-gusto ko ng matanong kanina pa. At bigla naman akong mau naisip na mga linya, na nakita ko lang sa mga pages sa fb.
“ Three reasons para malaman mo kung gusto mo ang isang tao.
1. Hindi sya mawala sa isip mo.
2. Laging sya ang hinahanap ng mga mata mo.
3. Gagawin mo lahat para sa ikabubuti nya.Ano, na isip mo sya 'no? ”
At bigla na lang akong natigilan at unti-unti iniangat ang mukha ko.
Lahat ng yun ay nangyayari sakin ngayon, so it means, g-gusto ko na sya?
Mas lalo akong kinabahan sa naisip ko.
P-pero bakit?
“ H-how is this happened? ” hindi makapaniwalang usal ko nang biglang may pumasok na naman sa isip ko nung panahong kasama ko si Yumi.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...