Chapter 44

1 0 0
                                    

Yumi's POV

Simula ng matapos ang araw kahapon, napansin kong masyadong lutang na lutang sa sarili nya si Cass. Sa totoo lang, hindi naman sya ganyan dati.

Alam ko sa sarili kong may problema syang hindi sinasabi. Lalo na kapag personal problem. Hindi ko na nga kinulit pa dahil hindi rin naman nya sasabihin.

Malalaman ko din yan. whaha!

Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon sa Cafeteria. Nakakapanibago talaga si cass dahil alam mo yung word na tahimik? Syang-sya ang definition ngayon.

" Ehem! I want to break the silent. " Panimula ni Charles. " Cass, Bakit ang tahimik mo naman yata? " tanong nya rito

" Oo nga. May problema ba? Kung meron, tell us. Makikinig kami. " sinserong sabi ni Harry. Kaya naman tumigil ako sa pagkain baka kasi this time, sabihin na nya.

" A-ano ba kayo? Wala akong p-problema. " at tumingin sya kay Heyl pero agad din nyang iniiwas at nagtuloy sa pagkain.

" Bakit ka nagkakaganyan? Pansin ko na yan kanina pang umaga e. Simula nung nagkasabay tayo. Tsk! Iniwan mo pa nga ako. " singhal sa kanya ni heyl. Hindi naman nakainik si Cass.

" Siguro, may kasalanan ka samin 'no? " nakahalumbabang sabi sa kanya ni Charles.

Siguro nga. Ano naman kaya?

" Wala kaya! Trip ko lang talaga 'to. Promise. "

" Bahala ka. Ikaw din. " harry.

" Change topic. By the way, baka daw humabol na lang sina mame at dade sa birthday mo. " sabi sakin ni Cass. Ngumiti naman ako.

" Okay lang. Ang mahalaga, nakapunta sila. Ganun din ang parent nyo. " baling ko naman kayna Harry. Tumango naman sila.
" Especially, kayo. Gusto ko kayong apat nandun. Kung tutuusin nga, wag na kayong mag-gift kasi kayo? Kayo yung gift na dumating sa buhay ko. " seryosong sabi ko sa kanila.

" Aww! Ang drama mo ngayon. " Charles

" Ikaw din naman ang malaking gift na dumating sa buhay ko. " nakangiting sabi sakin ni Heyl kaya naman nagtikhiman sina Harry at Charles maliban kay Heyl.

" L-loko ka talaga. Kumain na nga lang kayo. " sabi ko sa kanila at nagtuloy na ako sa pagkain.

Sa totoo lang, may balak akong gawin sa mismong birthday ko. Yun yung, matagal ko ng gustong makamit at gawin pero gagawin ko na lang sya sa mismong birthday ko.

Para unforgettable.

Sa ngayon ay secret muna. No clue. Sa mismong birthday ko nyo mismo malalaman kung ano yun.

Matapos naming kumain ay tumayo na kami at sabay-sabay na lumabas ng Cafeteria. Katabi sana ni Heyl si Cass sa paglalakad pero umiwas si cass dito at nagpaunang maglakad.

" Is there anything wrong between you and Cass? " tanong ko kay Heyl. Tumingin naman sya sakin ng may pagtataka. " Don't you notice na iniiwasan ka nya? Halata sa kanya. " dagdag ko pa.

Pansin ko kasi simula ng nagkasabay ang dalawa. Nagkaroon na ng iwasan. Remember, kasabay ni Cass si Heyl kahapon umuwi?

" Hindi ko sya halata. Baka naman may problema lang sya. " at nagkibit balikat sya.

" Hays! Baka nga. " sabi ko na lang.

Feeling ko kasi, nasaktan si Cass nang hindi namin nalalaman. O sabihin na nating may kinainisan o kinagalitan sya kay Heyl kahapon.

" Sige, kita kits na lang tayo later. " paalam ko sa kanya. Tumango naman sya sakin.

Tumabi na ako kay Cass ng upuan. Hindi ko na sya kinulit pa dahil alam kong wala naman akong magagawa kung kakausapin ko pa sya. Nakinig na lang ako sa discussion.

Sobra talagang nakakapanibago si Cass. Hindi ako sanay. Kasi dati-rati naman, kahit may teacher dito sa unahan, walang sinasanto yan sa kadaldalan. But now, nakikinig sya.

Hindi kaya may sumapi dito?

***

Maaga kaming pinalabas kaya naman halos kami pa lang ang section na lalabas ngayon. Nauna saking lumabas si Cass dahil may tatawagan lang daw sya. Samantalang ako, inaayos ko pa ang gamit ko. Pagka-ayos, lumabas na ako ng room.

" Paki-sundo po ako, ah? Oh, sige po. Bye! " rinig kong sabi ni Cass sa katawagan nya.

Bakit ayaw nyang sumabay samin?

" Hindi ka sasabay samin? " tanong ko sa kanya kaya naman napaiwas sya ng tingin.

" M-may gagawin pa kasi ako. "

Sinungaling.

" Sabihin mo nga, may problema ka ba samin? Especially, to Heyl? " nanlaki naman ang mata nya. Kaya mas tiningnan ko sya. Magsasalita na sana sya pero dumating ang tatlong ugok.

" Oh, naghintay pa kayo? Sorry. Ang tagal kasi magpalabas nung last teacher namin. " si harry. Nginitian ko naman sya.

" Maaga kasi kaming pinalabas. "

" Tara na? " yaya samin ni Heyl. Tumango naman kami.

" Ah-eh, aalis na ako. Hehe! B-bye! " at nagmadaling umalis si Cass.

" Hoy! S-saglit! " sigaw sa kanya ni Charles pero WA-EFFECT.

Malalaman ko rin kung ba't ka nagkakaganyan.

" Bwiset na yun! Masyado ng malihim satin. " dagdag pa ni Charles. Sumang-ayon naman sa kanya si Harry.

" Ngayon lang sya nagka-ganyan. Nakakapanibago. "

" Kaya nga e. Kahapon tahimik na sya ng makasabay ko pero nakakausap pa naman ng matino. " sabat ni heyl kaya naman nagkaroon ako ng ideya.

" Ano bang nangyari sa inyo kahapon? " tanong ko ng marating namin ang garden. Yes, sa garden kami dinala ng aming mga paa.

" Medyo, natutulala sya kahapon. Pero nung nagpasama sya sa ice cream shop, nagbago naman. Bumalik sya sa dating pilosopo pero makikita mo dun yung pagbabago. Tulad ng tawa nya at pagiging seryoso. " kwento ni Heyl. Kaya naman tatango-tango kami.

Baka nga sa bahay sya may problema.

" So, baka family problem nga. " si Charles habang may kinukuha sa bag nya.

" I think no. I saw Cass and her parent kanina. Hinatid pa sya e. Nakilala ko na din. "

" Talaga? "

" Oo. Ang babait pala. "

True. Mabait nga ang parent ni Cass. Sobra.

" Yumi, may sundo ka ngayon? " baling sakin ni Heyl.

Tumango ako. " Oo e. Bakit? "

" Ihahatid sana kita. "

Wag na. Baka kiligin pa ako. 'De joke lang.

Ngumiti na lang ako at hindi sya sinagot. Nag-stay pa kami sa garden ng ilang minuto bago umalis dun.

***

Pagkauwi, as usual wala dun sina mommy at daddy. Kaya naman kumain lang ako saglit at umakyat na akong kwarto. Nagsurf pa muna ako sa internet.

Casmile updated her status...

Pagbukas ko ng notif ko yan agad ang bumungad sakin kaya naman pinindot ko yun.

Malalaman ko din ang nangyayari sa'yo base on your post.

Pagkapindot ko ay napataas pa ang kilay ko.

Wow ha!? Ano naman kayang ibig sabihin ne'to.

Paano ang nakalagay naman kasi...

" Please, I don't deserve all of this. I don't deserve to receive PAIN. "

Nilike ko na lang yun at nag-offline nako. Saka, ko naman ginawa ang mga tasks ko.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon