Chapter 53

5 0 0
                                    

Cass POV

Nagulat talaga ako sa sinabi ng mommy ni Heyl.

Talaga? Papatulugin nya ako dito?

" T-tita, may kotse naman po akong da----" sagot ko sa kanya. Nahihiya kasi ako.

" Please? "

" Mom? Wala syang paalam. " sabat naman ni Heyl kaya napatingin ako sa kanya.

Sa totoo lang, pwede ko naman tawagan si mommy na nasa kaibigan ako. Ang problema kasi, nahihiya ako kay Tita. At isa pa, wala akong dalang pamalit ng damit.

" What is your mom's phone number? " kaya naman lalong nanlaki ang mata ko.

Seryoso talaga sya? Tatawagin nya si mommy?

" Yun ay kung nag-aalala ka na hindi ka nya payagan. "

" Hindi po sa ganun tita. Wala po kase akong dalang pamalit ng damit. " nahihiyang sagot ko pero tumawa sya.

" Don't worry, papahiramin ka ni Heyl ng damit nya. Kung okay lang sa'yo? " napatingin naman ako kay Heyl na nakangisi na ngayon sakin.

Sa totoo lang, kahit na babae ako. I want to use boy's shirts. Kaya meron ako sa bahay na mga damit panlalaki.

" Of course, Tita. No problem. "

" That's good. So, aakyat na ako. " nakangiting tumango ako at muling tinuloy ang ginagawa ko.

" First time? " tumango ako kay Heyl. Kasi first time ko naman talaga matulog sa ibang bahay e.

" But I will make it fun. " ngumiti naman sya sakin.

***

Sa guest room ang pinili kong mag-stay kasi ayaw ko naman na matulog sa kwarto ni Heyl kasi parang ang awkward lang. Mas lalo na sa kwarto ni heycie, mas nakakahiya.

Kasalukuyan akong nagse-cellphone habang nakahiga sa kama. Napagod kasi ako sa bonding namin kanina ni heycie. Makulit syang bata at masayahin. That's why, I like her, too.

Nagpaalam narin ako kay mommy. Perp ang sinabi ko ay nasa kaibigan lang ako. Pumayag naman sya.

Maya-maya lang ay may kumatok na sa pinto kaya tumayo ako.

For sure, si Heyl 'to.

Pagkabukas ko, si Heyl ang nakita ko na ngiting-ngiti na nakatingin sakin. May dala syang damit. Kinuha ko na ang dala nya at iniwan ko sya sa may pinto. Ramdam ko namang pumasok sya.

" Thanks dito. " sabi ko ng makaupo sa kama. Umupo din naman sya dun.

" You're welcome. Buti naman at pumayag kang dito matulog. "

" Nakakahiya kase kay Tita. " ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko.

" Di ko talaga alam kung bakit bumait si mom. Kasi sya talaga yung dahilan ko kung bakit ako naging playboy... " napakunot naman ang noo ko kaya nagtuloy sya sa pagsasalita. " ... sinisisi nya kasi ako sa pagkawala ni daddy. That's why, laging mainit ang ulo nya sakin. " tumango tango naman ako.

Ah. Kaya pala.

Tumayo ako. " Dyan ka muna, I'm going to take a bath. Ang baho ko na. Haha! "

" Haha! Sige, baby. I'll wait you here. " lumakad na ako papuntang banyo dito sa guest room. Kompleto na ang mga gagamitin ko sa panliligo.

May tuwalya
Shampoo
Soap
Conditioner
Bath Gel
At iba pa.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon