Yumi's POV
Nang makaalis na ako sa parking lot ay may inis parin ako nararamdaman. Dahil hindi ko talaga akalaing ganun sya. Pero sana naman ay mali ang tingin ko sa kanya ngayon dahil kapag nagkataon, mali ang pagkakakilala ko sa kanya nung una.
Alam namang bitter ako, tapos harap-harapang makikipaglandian? Ano yun show? Psh! Walang forever!
Habang nagda'drive ako ay hindi parin mawala sa isip ko yung pakikitungo ni Heyl sa mga babae, dahil kung sa iba yun, lalo na't famous ay hindi nila papansinin ang mga ganung uri ng babae. Sabihin na nating. Mmm... malandi?
Pagkauwi ko sa bahay ay tumigil muna ako saglit sa tapat ng aming bahay sa loob ng kotse at saka huminga ng malalim bago bumaba. Pinagbuksan naman ako ng gate ng aming guard na si Kuya Chris.
" Goodmorning Young Princess " nakangiting bati nya sa akin. Nasa 45 na ang edad nya, at malaki rin syang lalaki. Alam kong nagtataka kayo kung bakit Young Princess ang tawag nya sakin, dahil yun ang gusto ni mommy na itatawag ng mga guards sa akin at ng mga maids. Tumango ako sa kanya.
" Mmm! Goodmorning Kuya Chris " pilit na ngiti ko at saka pumasok na ng tuluyan. Pagkabukas ko naman ng pinto ay bumungad sakin si mommy ng may sobrang pagkakangiti.
" Oh my Young Princess! Andito ka na pala " nakangiting salubong nya sakin sabay yakap.
Nakaka-usap mo na nga. Psh!
" Alam kong pagod ka galing sa iyong school, kaya akina yang bag mo baka nahihirapan ka na dyan "
Sa gaan naman ng bag ko! O.A ka lang talagang tunay. Psh!
Yan si mommy supportive mother sya, actually napaka-childish nyan at higit sa lahat O.A. eh, yun pa naman ang ayaw kong tipo ng tao. Kaya naman naiinis ako sa kanya.
" Mommy please? Magaan lang 'to " ayaw kong ipakita kay mommy ang pagkainis ko sa kanya dahil ayaw ko namang masaktan sya.
" Kahit na my Young Princess, ilang oras mo rin yang bitbit, for sure napapagod kana. Hihi " at talagang kinuha na nga nya ang aking bag. Pumasok na naman ako ng tuluyan at dumeretso sa sofa para magpahinga at saka ko kinuha ang cellphone sa bulsa.
Bahala sya!
" My Young Princess kwentuhan tayo Please??? " parang batang umasta si mommy na tumabi sakin. Tiningnan ko naman sya.
" I'm not in the mood mommy. "
" Please? For sure mawawala ang pagod mo kapag pinagkwentuhan natin si Nash. "
" Right my Young Princess? " pacute na dagdag nya pa. Napatitig naman ako sa kanya.
Bakit sya pa??
Ang totoo nyan ay hindi pa alam ni mommy na nag away kami ni Nash. Almost two years na pero wala parin syang alam samin. Dahil simula nung magkagalit kami ay hindi ko na kinuwento pa si Nash sa kanila dahil ayaw ko na ngang buksan ang topic tungkol sa kanya. Strict si daddy, kaya naman nahihirapan akong sabihin kung anumang nangyayari sakin sa buhay lalo na pagdating sa lovelife. Dahil once na magalit sya, talagang nakakatakot naman pero totally mabait naman sya, minsan nga nakikipagbiruan pa samin ni mommy e. Siguro nga busy talaga sya sa trabaho kaya ganun sya, puro business ang nasa isip. Look, wala na naman sya dito, I am sure na nasa company na naman yun.
" My Young Princess? Why so sad? Any problem? Alam mo namang andito lang si mommy if my problem kayo ni Nash? Okay? Support! Support kita! Yiiie. " nakangiting sabi nya sabay yakap sakin.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...