Chapter 49: Yumi's Birthday

8 0 0
                                    

Yumi's POV

Nasa part na kami ng magbibigay ako ng mensahe. Ni isang anino nina Cass at Heyl ay hindi ko nakita ngayong kaarawan ko. Pasado alas onse na pero wala parin sila. May bumubuo sa isipan ko pero binubura ko lang yun kasi nga ayaw kong paniwalaan.

Tumikhim muna ako. " F-first of all, thank you for coming tonight. Sa mga bumati sakin at sa nagbigay ng mga special gifts. Also thanks. " tumingin ako sa parent ko. " And of course, to my parent. Thank you for doing this. For celebrating my birthday. At sa mga sacrifices nyo sakin. I love you mom and dad. " tumingin naman ako sa mga kaibigan ko. " Sa mga bestfriends ko na laging nandyan sa tuwing malungkot at bawat ngiti ko na kayo ang kasama ko. K-kahit na yung dalawang special na tao ay hindi dumating n-ngayon. " at namumuo na yung luha sa mga mata ko kaya pinilit kong ngumiti sa kanila para lang hindi ito pumatak sa harap nila.

More on gratitude lang ang sinabi ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at nagpunta sa gawi ng parent ko. Katabi naman kasi nila sina Harry at Charles.

" Hays! Saan naman kasi nagsuot yung dalawang yun. " inis na sabi sakin ni Charles. Tiningnan ko lang sya.

Nasaan nga ba kayo?

" Kaya nga. Ngayon pa sila nawala ha? Wow lang. " si Harry. Tumingin naman sya sakin. " Don't mind them. Masisira lang ang party mo. "

" Yeah. Wag mo narin sila hintayin. Patapos na ang party but look, wala pa sila. " si Charles.

" I will. T-thanks. " pilit ang ngiting sabi ko sa kanila. Then they smile back.

***

Pagkarating ng alas dose ay nagsi-alisan na ang mga bisita pati narin sina Harry at Charles.

Kasalukuyan na akong nasa kwarto ko at nagpapahinga. Ang mga gifts na natanggap ko ay nasa kwarto ko na rin.

Hindi ako makatulog.

Sana mali ang nasa isip ko. Sana mali.

May kung anong kumirot sa puso ko at hindi ko na namalayan na napaluha na ako.

Special sana ang araw na'to. Pero naging kabaliktaran lang.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon