Yumi's POV
Pagkatapos ng Modeling namin ay lumapit sakin sina Boi. Kinongratulate nila ako. At kasama na dun si Cass.
Nagtaka talaga ako kung bakit nawala ang coldness nya sa akin, sa amin. Pero masaya ako ng dahil dun.
MONDAY...
Pumasok ako ng maaga. Dahil ayaw kong pagkaguluhan ako ng lahat sa school dahil nanalo nga ako nung isang araw. Para sa akin, balewala ang pagkapanalo ko kung nasaktan na naman ako ulit ng dahil sa pag-ibig na iyan.
Tuwing maiisip ko si Heyl, hindi ko mapigilan ang maiyak. Dahil sa sakit na nararamdaman ko. I don't know why I feel this. Dahil kung tutuusin crush ko lang naman sya.
Siguro dahil tropa ko rin sya.
Pagkapasok ko sa school, wala pang masyadong tao. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Dahil sobra ko kasing aga.
Pagdating ko sa room ay nakita ko dun si Cass na gulat na makita ako.
“ Ang aga mo naman yata? ” gulat na tanong nya pero diko sya sinagot dahil nahihiya ako sa kanya.
Bakit kasi hindi kita pinakinggan noon? Bakit ang manhid ko?
Inilapag ko ang aking bag sa upuan at nang akmang aalis ako ay nagsalita sya.
“ Where are you goin'? ” tanong nya. Bumuntong hininga na lang ako.
“ Somewhere? ”
“ Sama ako!!! Namiss kita e. ” sagot nya. Hindi ko na sya nilingon pa at nagdiretso na lang ako sa field. At naupo sa ilalim ng puno.
“ Anong gagawin mo dito? ” hindi ko sya sinagot at nahiga na lang ako gamit ang braso ko.
Ilang minuto pa ang namutawi bago ako nagsalita. “ Sorry. Because I'm so F*cking numb. ”
“ Yan e. Yan ang sinasabi ko! Dapat kasi ako ang pinili mo hindi yang si Heyl na yan. Sabi ko naman sa'yo playboy yan. Ano? Ano na ang nangyari sa'yo? Diba nasaktan ka? ” bumuntong hininga na lang ako. Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Umupo ako at hinarap sya. “ Bakit nga ba alam mo na Playboy sya? Oo, napansin ko yun sa kanya but I was thought that... That baka talagang malapit lang sya sa mga babae. ”
Hinawakan nya ako sa balikat. “ Boi, ang totoo nyan, I saw him, flirting with others. ” kusa akong natigilan sa sinabi nya. Hindi matanggap ng utak ko ang mga sinasabi nya. “ Do you know, Mica and Elise? ” tumango ako. “ Nakita ko si Heyl na kadate si Elise. Pero hindi ko yun pinansin kasi nga baka may relasyon sila but mali ako. Because after Elise, si Mica naman. Si Mica ang sinunod nya. And you know? Sa mismong araw din na yun. Magkasunod lang. ” parang nag-init ang tainga ko sa sinabi ni Cass. Gusto kong magalit ng sobra pero diko magawa
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...