Chapter 19: Mr. & Ms. Famous Modeling-Begin

16 0 0
                                    

Yumi's POV

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dun sa sinabi ni Heyl sakin kanina lang pero nasa loob loob ko parin na kinikilig ako dahil sa sweet words na sinabi nya. Aaminin kong may lungkot parin akong nararamdamam dahil sa hindi namin pagkakaunawaan ni Cass.

Sana maging okay na kami.

Kasalukuyan kaming nasa tambayan ngayon ni Heyl at hindi na kami bumalik pa sa gym dahil niyaya nya ako dito para naman daw gumaan ang aking kalooban kasama nya.

" Bakit nga ba nagkaganon kayo ni boi? "

Dahil sa'yo.

Naiangat ko naman ang tingin ko at nagtama ang paningin namin Heyl medyo nailang ako pero hindi ko pinahalata.

" H-hindi ko din alam. Siguro m-may problema lang sya. "

" Mukha nga e. Ilang linggo naring cold ang pakikitungo nya. I hope that she will be okay. "

Mukhang malabong mangyari yun.

" Sana nga. Dahil hindi ko kayang ganun sya. " tumango naman sya sakin at tumingin sa mga ibong naglalaro sa may sanga kaya naman napangiti pa ako. " Sana, matanggap nya lahat. " at muling nangilid ang luha ko. Kaya naman pinahid ko iyon ng pasimple gamit ang kamay ko.

" Are you crying? " ngumiti ako sa kanya.

" No, humangin kasi kaya napuwing ako. Hehe. " mukhang hindi naman sya na naniwala pero hindi ko na yun pinansin at tumingin na lang ako sangang tinitungtungan ng mga ibon.

Napalingon naman ako kay heyl at muntik pa akong magulat ng makita kong nakangiti sya habang nakatingin sakin kaya naman nag-init ang pisngi ko.

" W-why are y-you staring at m------! "

" Anong nagustuhan mo sakin? "

WTF!?

" H-huh? "

" Ang sabi ko anong nagustuhan mo sakin? " nakangiti munit malumanay na tanong nya kaya naman napatitig na naman ako sa ngiti nya.

Shet!

Ano nga ba?

" Wala. " nakangiting sagot ko sa kanya at nanlaki naman ang mga singkit nyang mata.

Ang cute!!

" B-bakit w-wala? "

" Ano ba dapat? " sarkastikong tanong ko at napapahiyang ngumiti namam sya sakin.

" W-wala. Hehe. " tumango naman ako bago bumuntong hininga. Tumingin pa ako sa kawalan at dun nangiti.

" Hindi naman natin kailangan ng dahilan para magustuhan natin ang isang tao. " panimula ko at ramdam ko naman ang pagkagulat nya kaya naman nakangiting nagtuloy ako. " Alam kong hindi rin maiintindihan ng iba kung bakit walang dahilan para magustuhan mo ang isang tao dahil tulad mo, alam kong nagtataka ka na kung bakit wala akong masabing dahilan sa'yo. " at tumingin ako sa kanya.

" G-ganun na nga. Hehe. "

Sabi ko sa'yo e.

" Yung iba nga, kapag tinanong mo ng " Hoy! Bakit mo ako nagustuhan? " ang isasagot nila... kasi maganda o kaya ay gwapo ka, dahil mabait ka o kung ano pa. Tsk. " natatawang singhal ko at mukhang naintindihan naman nya kaya muli akong tumingin sa mga ibon na animo'y nag-uusap usap. " Pero kapag ako na ang tinanong ng ganon, wala kayong matatanggap saking sagot. Haha! "

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon