Heyl's POV
December 18, 2018
Kanina pa akong gising kahit na wala akong pasok. Syempre, hindi ko makakalimutan yung birthday ni Yumi. Pinaalala nya sakin kanina sa text e. Na pumunta ako kasama ang family ko. At sabi rin nya, kailangan ko rin makapunta.
To be honest, ayokong pumunta sa birthday nya kasi nga naiwas na ako sa kanya. Para saan pa kung, pupunta ako diba? Masisira lang yung araw nya kapag nandun ako. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkalungkot ng birthday nya. Pero dahil nga birthday nya, pagbibigyan ko syang pumunta dun.
Alas dose na ng hapon at ako ngayon ay bihis na bihis dahil pupunta ako ng mall para bumili ng panregalo kay Yumi.
" Heycie? Aalis lang ako saglit ah? Bibili lang ako ng gift para kay Ate Yumi mo. " paalam ko sa kanya. Busy naman sya sa paglalaro ng Homescape sa cellphone nya. Tumango lang sya sakin.
Alam ko din sa sarili ko na hindi nya gusto para sa akin si Yumi. Kaya everytime na babanggitin ko ang pangalan nito, nawawala sya sa mood o kaya naman ay nawawala ang ngiti sa labi.
Kung si Cass kaya ang nililigawan ko, boto ka kaya?
Sabi ko pa sa isip ko habang tinitingnan si Heycie.
" Bakit kuya? " nakangiting umiling na lang ako. Hinawakan ko na lang ang buhok nya saka ako tuluyang umalis.
Yung sasakyan ko na lang ang ginamit ko kahit na sabi ni mommy ay yung kanya na lang.
Pagkadating ko sa mall. Dumiretso agad ako sa second floor para magtingin ng ireregalo kay Yumi.
Habang naglalakad at nagtitingin sa taas ay may nakasalubong akong isang babaeng nakasuot ng Blackpink na croptop yata kung hindi ako nagkakamali.
Kinamalayan ko sa mga pambabaeng damit.
Bigla naman akong nagka-idea kung ano ang ireregalo ko kay Yumi.
Aha!
" Exactly. " nasabi ko pa habang sinusundan ng tingin yung babae.
Blackpink collection.
Kung hindi ako nagkakamali, nakita ko sa cellphone ni Yumi na ang wallpaper nya ay blackpink. Pati narin ang mga gamit nya halos lahat ay blackpink. Mapa-bag o case man ng cellphone nya.
Kaya naman dali-dali akong nagpunta sa Blackpink section.
" Good morning sir. What can I do for you? " sabi sakin ng isang babaeng entertainer. Nakablackpink din syang suot.
Parang endorser ganun.
Nginitian ko na lang ang entertainer at saka ako nagtuloy sa loob. Nagpunta naman ako sa mga merchandise.
Habang namimili ako ng maaaring ibigay kay Yumi, may katabi din akong namimili ng bibilhing damit. Katabi kasi ng merchandise ang bilihan ng damit. Napatingin ako sa kanya at pinagmasdan ito
Namumukhaan kita ah, kahit nakatalikod ka.
" C-cass? " alinlangang tawag ko. Dahan dahan naman lumingon ito at gulat na napatingin sa akin.
" U-uy! Hehe. " sagot nito. Napatitig naman ako sa kanya.
Shet! Ang ganda ng suot nya.
Sabi ko pa sa isip ko. Naka fitted syang pantalon tapos yung kaparehas na design dun sa nakita ko kanina. Croptop yata. Basta kulay yellow ang suot nya ngayon.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...