Heyl's POV
Gumising ako ng maaga dahil nga mag-aayos pa ako sa aking sarili. Wala si mommy kaya naman ako at si Manang Lynda lang ang nandito.
Umorder nako ng aking susuotin at ngayong umaga ang deliver nun.
Sanay akong mag-isa.
Bumangon nako sa pagkakahiga at nagmu-mog bago ako naligo at nakita ko si Manang Lynda na naglilinis ng living room. Agad din naman nya akong napansin.
" Good Morning, Manang Lynda. "
" Oh, magandang umaga naman sa iyo, Heyl! Dumating na nga pala ang iyong inorder na damit para mamaya. "
" Ah. Hehe. "
" Doon ko nilagay sa supa, para madali mong makita, iho. "
Supa is Sofa.
" Magbrekpas ka na dyan at kaluluto ko lang, habang mainit pa. "
" Ano po ang meron ngayon? " tanong ko pa sa kanya habang papalapit sa inorder kong suit.
" Chiken, beykon, Sandwits at saka sangag. " sabi pa nya pero diko na yun sinagot at tumango na lang ako at binuhat ko ang kahon ng damit.
" Manang, akyat po muna ako, Ilalagay ko lang po sa kwarto. "
" Sige. Maaga pa naman. " sagot nya at nagtuloy na naman ako sa pag-akyat.
Lalo akong gu-gwapo nito. Hehe!
Pagkapasok ko sa kwarto ay inilapag ko sa kama ko ang aking inorder na suit. Binuksan ko ang kahon at saka ko kinuha ang suit.
Mahilig ako sa kulay blue kaya blue ang pinili ko, pero dark blue ito, ayaw ko kasi ng mga light at baby blue dahil feeling ko...
Bakla ako. Tsk.
Maganda ang pagkaka-tela nito lalo na ang itsura. Nagpapa-attract dito yung combination ng kulay kaya maganda.
Ano kayang suot nya?
Napabuntong hininga naman ako sa naisip ko at inilapag ko na ang aking suit.
Sabi na nga ba at hindi ako nahirapan sa'yo.
Bumaba nako para kumain ng breakfast, madali lang rin akong natapos dahil bumaba nako ay 7:00 am. Ang start kasi ng modeling ay 9:00 am.
Pagkatapos na pagkatapos ay nagbihis nako sa kwarto ko ng suit. Nang maisuot ko iyon ay pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin.
Sobrang gwapo ko na ba? Hehe. Mananalo ako mamaya. WHAHA! Panigurado yun! Because I'll do my best to win.
Kamukhang kamukha ko na yata talaga si Park Bo Gum. Uhm!
Natapos ako ay halos 8:30 am pa lang pero napagdesisyunan ko na ring umalis.
" Manang hindi po ba kayo manonood? "
" Naku! Heyl, marami pa akong gagawin dito. Gustuhin ko man pero hindi pupwede dahil baka makarating ang iyong mami. "
" Ganun po ba? " pinakita kong malungkot ako. " Okay lang po, don't worry Manang Lynda...mananalo ako "
" Yan ang gusto ko sa'yo e, adbans mag-isip. Haha. "
Oo naman. Dahil kapag hindi ko agad inisip ang positive baka kalabasan ay negative. Hehe.
" Hehe. Sige po Mana-----! "
* RING! RING! RING! *
" Excuse po muna. " tumangk sya kaya naman lumabas na ako. At sinagot ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...