Yumi's POV
Nakakalungkot isipin pero nararamdaman kong nagiging cold na sa akin si Heyl. I don't know why. Wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanya para magkaganun sya. Halos mag-iisang linggo na ngang, hindi ko nararamdaman ang panliligaw nya.
Ayaw kong isipin na ayaw nya na sakin kasi hindi ko kakayanin? O sabihin na nating napamahal na ako sa kanya. Tapos, kung kailan...
Hays! Be positive, Yumi.
Hinihintay na namin ang speaker na kinukuha nina Harry at Charles. Si Heyl naman ay nagkukuting-ting sa cellphone nya sa sulok. Gusto ko sya kausapin kung anong problema nya pero inuunahan ako ng kaba.
" Ayan na pala ang speaker! " ani ng MAPEH teacher namin. Napatingin naman ako sa gawi ng pinto at dala na nga nina Harry ang speaker.
Bluetooth device. Katulad ng amin sa bahay. Skl.
Sinaksak na nila ang speaker tapos kinonnect na nila sa laptop ng kaklase ko. Pero hindi ito gumana.
" May I try? Katulad kasi yan ng amin. " sabi ko sa kaklase ko. Tumango naman sya at hinayaan akong ayusin yun.
Bakit hindi ko maayos?
Naka-ilang minuto na ako pero ayaw pa din mag-connect sa laptop.
" Okay na ba? " tanong sakin ng MAPEH teacher namin. Umiling ako.
" Punta lang po akong Locker. May kukunin lang. " rinig kong paalam ni Heyl.
Maya-maya pa, makalipas ang ilang minuto, rinig kong may yabag na papunta sa gawi ko. Hindi ko naman tiningnan kasi nga, busy ako.
" Tabi nga! " supladong sabi sakin ng isang lalaki. Kaya naman napapahiyang tumayo ako at hinayaan na sya ang mag-ayos nun. Napatingin naman ako dun sa lalaki.
Tinitigan ko naman sya. At saka tumingin kay Nichole. At tumpak! Kinikilig na amputs!
Tsk! Ang suplado naman.
Maya-maya pa ay naayos na nya ang speaker.
" Okay na. " sabi nung Smith sa MAPEH teacher namin. Nakangiting nagpasalamat naman ito.
" S-smith? " napatingin naman kami sa likod namin at nakita ko dun si Heyl na gulat na gulat ng makita si Smith.
Magkakilala sila?
" Boi! Haha! Musta? " sabay yakap nito kay Heyl. " Gwapo natin ngayon, ah! "
" Ikaw nga dyan ang umasenso. Haha! " nag-akbayan naman silang dalawa.
" Baliw. Oo nga pala, sino yung nililigawan mo? " nang marinig ko yun kay Smith ay umiwas agad ako ng tingin sa kanila.
" A-ah, Yumi! " tawag ni Heyl sakin kaya naman napalingon ako. " Come here. " pumunta naman ako.
" Sya? " tumango naman si Heyl sa kanya.
" Sya si Yumi, ang nililigawan ko. And yumi, sya naman si Smith ang kaibigan ko sa CEU. " Ngumiti naman ako kay Smith, ganun din sya sakin.
May itsura sya, hindi tulad ni Heyl na gwapo. Pero eto namang si Smith may dating.
" H-hello. " sabi ko na lang. Ganun din ulit sya sakin.
" Please, come here at magpractice na kayo. " sabi samin ng MAPEH teacher namin.
" Aalis na muna ako, may gagawin pa ako sa faculty. " paalam ni Smith samin. Tumango naman ako at nagpunta na sa unahan.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...