Heyl's POV
Mukhang ito na ang oras para malaman nila ang totoo yung mga bagay na hindi pa nila alam at issue'ng kumakalat dito sa campus.
Naaawa ako kay Yumi at halatang nagpipigil lang sya ng luha. Kaya mas kumirot yung puso ko para sa kanya.
Sorry, Yumi kung minahal ko ang kaibigan mo.
" W-whaaat!? " gulat na usal ni Charles kaya napayuko ako.
Tumingin ako kay Yumi at kitang-kita sa mga mata nya habang napako ang tingin kay Cass na hindi sya makapaniwala sa narinig. Nasasaktan sya na may halong galit sa mga mata at dun na nalaglag ang mga luha nya.
" S-sabihin nyong j-joke lang yan. T-tatawa talaga ako. " seryosong sabi nya samin pero umiling lang kami ni Cass.
Y-yumi...
Nasasaktan ako para sa kanya kasi pinipilit nyang ang sarili nyang huwag paniwalaan ang lahat.
Kailangan ko ng magsalita.
" Sorry Y-yumi. K-kung tinago namin ang relasyon namin sa'yo. " paghingi ko ng tawad sa kanya. Napanganga naman sya na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari at sa mga naririnig.
" Nice. Congrats. " sabi samin ni Yumi bago nya kami talikuran pero mahahalata mong sarcastic iyon. Napaupo naman si Cass at humagulgol na sya sa pag-iyak. Kaya naman napaupo narin ako para yakapin sya ng mahigpit.
W-wait? N-nangyari na ba 'to?
Para kasing may natatandaan akong ganitong pangyayari pero hindi ko matandaan kung kailan o ano.
" Kailan pa kayo may relasyon? " tanong ni Harry kaya napatingin ako sa kanya.
Nandito pa sila?
" Last month p---- "
" Last month? " he interrupt my words. " Pero ang tagal nyo ng cold samin! "
" Bago maging kami, nililigawan ko na si Cass, privately. " sagot ko sa kanya.
" Ang galing din 'no! Hindi na kayo nahiya. Kaibigan natin si Yumi, pero mas pinili nyong saktan yung tao kaysa ipagpalipas yang kalandian nyo! " sigaw samin ni Charles bago sya tuluyang umalis. Iiling-iling naman na sumunod si Harry kaya naiwan kami ni Cass dito sa may bench.
" Stop crying, baby. " at hinawakan ko ang pisngi nya at pinahid ang mga luhang nagmumula sa kanyang mata. " Maiintindihan din nila tayo, okay? "
" Kasalanan ko 'to e. " at umiyak na ulit sya.
" No. Walang may kasalanan kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Tandaan mo, hindi kasalanan ang magmahal. " at niyakap ko na sya ng mahigpit.
Nakikita narin kami ng ibang estudyanteng dumadaan dito pero wala akong pakialam kung magbulungan sila or what.
Tumayo ako. " Attention! All your issues are true. Kami talaga ni Cass. Okay na ba? " at hinila ko na si Cass palayo sa kanila.
Pagkarating namin sa parking lot ay sinakay ko na sya sa kotse at inihatid sya sa kanila.
Legal na kami sa isa't isa. Pinakilala na ako ni Cass sa family nya. Tulad ni mommy, natuwa din yung mommy nya sakin. Sa una, nagulat sila syempre, lalo na yung daddy nya pero ngayon okay na. Ang hindi lang nila alam ay yung pagbubuntis ni Cass.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...