Heyl's POV
“ Did you plan all of this? ” tanong ni Yumi samin pagkatayo nya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding kaba. “ Or do you want to play with me again, too? ” sarkastikong tanong nya pa.
“ S-sorry, Y-yumi. ” si Cass. Ngunit nginisian lang sya nito.
Iba na nga ang Yumi'ng nakilala ko. It's all my fault.
“ Ako ang nakiusap sa kanila para makausap ka, Yumi. Wag ka sa kanila magalit, sa akin ka magalit. ” sabat ko sa usapan para hindi na nya sisihin pa sina Harry dahil sa kagaguhan ko.
Tama ba ang nakikita ko sa mga mata mo?
Nang tingnan ko sya sa mata ay marami akong emosyong nakikita.
Lungkot.
Galit.
Hinanakit.
Sakit.
Hindi ko alam kung para sakin ba lahat yun o ano? Pero nakatitig lang sya sakin.
“ Yumi? G-gusto kitang makausap kaya kinausap ko sila about this. ” paliwanag ko pero ngisian nya lang din ako.
“ Makausap? Para saan pa? ”
“ Para sa nangyari. Lahat! I want to talk with you. Please, let me do that. ” pagmamakaawa ko. Hindi naman sya tumingin sakin at tumingin sya sa kawalan na para bang kinakalma nya ang sarili nya.
“ Fine. ” nanlaki ang mga mata ko sa sagot nya. At tiningnan sina Cass. Halos pare-parehas kami ng reaksyon.
Totoo? Pumapayag syang makipag-usap sakin?
Ngumiti ako sa kanya. “ But, make sure na importante ang sasabihin mo. Dahil kung hindi, hinding-hindi kana makakalapit pa sakin. ” at umupo na muli sya sa pwesto nya kanina at tumingin sa labas.
Grabe!
Para tuloy akong kinabahan dahil sa sinabi nya. Iniisip ko kung...
May kwenta kaya kung aamin ako sa kanya?
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...