Yumi's POV
" Shh! Please don't cry my baby. I understand... I undertand. " pag-aalo sakin ni mommy. Pinunasan ko naman ang luha ko at saka pilit na ngumiti sa kanya
" Siguro nga, kasalanan ko lahat. Kaya for me, the world is very unfair. P-pero bakit ganito naman mom? Si d-dad, alam kong busy sya sa company pero b-bakit ganito ang pinapakita nya sakin? M-minsan na nga lang kami magkasama, t-tapos ganito pa? I know naman na malalaman nyo ang tungkol samin ni M-ms. Chin. " huminto muna ako at pinahid na naman ang namumuong luha sa mga mata ko. " K-kaya hindi ako natatakot na makarating sa inyo ni dad b-because I know na si Ms. Chin ang nauna saming dalawa. Pero mali pala ang k-kinalabasan e. " at tumulo na muli ang aking mga luha. Halos hindi ko na makita ang mukha ni mommy. " Para sa inyo ni dad ako na lang lagi ang may kasalanan! "
Malungkot na nga ako, may dumagdag pa!! Leche!
" Hindi totoo yan baby okay? Ayaw lang kasi namin ng daddy mo na masisira ang pag-aaral mo. Siguro, Your dad don't know everything kaya ganun. Dahil kung alam na nyang lahat ang nangyari baka hindi ganun ang kinalabasan ng pag uusap nyo kanina. Kaya sana maintindihan mo baby. Please? Stop crying na okay? "
Psh! Lagi naman ganun ang sinasabi nyo para magmukha kayong walang kasalanan!
Magsasalita na sana ako ng may marinig akong yabag mula sa labas kaya naman hindi na ako tumingin dun dahil alam ko na kung sino ang paparating. Bumukas iyon.
" Oh! Sweetheart? Come in. Talk to your daughter. " ramdam ko namang pumasok na ng tuluyan si daddy. Tumayo na si mommy. " Aalis muna ako okay? Para makapag usap kayo ng daddy mo. " hindi ko sya sinagot, nanatili lang akong nakatungo.
Umalis na si mommy pero hanggang ngayon ay wala parin samin ni dad ang umiimik. Dumaan pa ang ilang minuto at nagsalita na sya.
Psh!
" I know na... may sama ka ng loob sakin dahil sa nangyaring usapan natin kanina. Also I know na hindi mo rin inaasahan na ganun ang kalalabasan ng usapan natin Yumi. " hindi ako nagsalita. Nakatungo parin ako habang kinukutkot ang bedsheet ko.
Alam mo naman pala e!
" Pero sana maintindihan mo na, kaya lang ganun ang pagkakasabi ko sa'yo dahil nabigla lang talaga ako na nagkaroon ka ng kaaway na guro. Sinabi sakin ng dean nyo na sinabi daw ni Ms. Chin sa kanya na lagi mo syang sinasagot ng pabalang every discussions nya sa inyo. Yun din daw ang sabi ni Treats. "
Nagsumbong ang hindi nauna.
" Trixs, dad. "
" Yeah si Trixs nga daw. ".
Eh bakit mali ang sinabi mo? Psh
" I want to apologize what happened. Ngayon ko lang kasi narealize na... hindi mo nga naman lahat kasalanan. Ako na rin ang nagsabi na ngayon lang ako naka-encounter sa school nyo ng ganung kaso tungkol sa'yo. So it means, from the word ngayon... hindi ikaw ang nauna dahil tingin ko ay hindi mo naman sya papatulan kung hindi naman sya sumobra. " mahabang paliwanag nya at nakinig naman ako.
Buti at narealized mo din. Tsk... tsk...
" Can you tell what happened between you and Ms. Chin, Yumi? " dun ko lang iniangat ang aking tingin. Ngiting-ngiti ang itsura nya habang ako naman ay blangko lang ang tingin sa kanya.
Tumawa sya.
Anong tinatawa tawa ne'to?
" Baka naman gusto mong magsalita at magkwento. Hahaha "
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Roman pour AdolescentsSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...