Yumi's POV
Kinain ko na lang ang dala nina boi na pagkain. Wala na akong planong sundan pa ng tingin sina player dahil makakaramdam lang talaga ako ng inis.
“ B-boi? Usap-usapan na kayo dito sa FIS. ” nag-aalinlangan na sabi ni Harry sa akin.
Sabi na.
Hindi na ako magugulat, hindi na ako magtataka kung yun ang balita nila sakin. Hindi pa naman ako ganun kamanhid para hindi malaman lahat. Dumadaan ako sa daan at nakakasalubong ang mga chismosa kaya naririnig ko ang mga sinasabi nila.
Ganun ka kapal ang mga fessss nila. Tsk.
Tiningnan ko lang sya.
“ B-bakit naman? ” si Cass.
“ About sa pagiging Ms. Famous nya. Dapat daw lagi silang magkasama ni Heyl pero hindi nila nararamdaman ang love team nila. ” paliwanag ni Charles.
Loveteam? Wow ha!
Uminom na lang ako ng tubig at hindi na pinansin pa ang usapan nila.
Kung nagsisisi sila dahil binoto nila ako, wala akong pakialam. Una sa lahat, hindi ko kasalanan yun at kasalanan nila, dahil sila ang bumoto sakin. Pangalawa, kung hindi nila nararamdaman ang pagka Ms. FIS ko, free to change me.
Bumalik na kami sa panghapong klase.
MS. BABA WITH PEKENG KILAYSSS!!!
Pagkapasok nya sa room, tumahimik ang lahat pero ako nakatingin lang sa kanya at ganun din sya. Nakangisi habang sarcastic ang dating.
Natatanga na.
“ Oh, baka mapanis ang laway mo dyan. Ms. Famous. Aba! Bilang na lang ang iniimik mo dito sa school ah. Lalo na sa subject ko. If I'm not mistaken, wala ka pang naiimik sa klase ko. ” at nagtawanan ng malakas ang mga kaklase ko. Pero tiningnan ko ng diretso si Ms. Baba.
“ Boi, don't mind her. Okay? ”
“ Whaha! Baka maging statue ka dyan mamaya. ” at umingay na naman sa loob ng room. Pinakamalakas pa ang kay Trixs. “ Alam mo, mas lumala ka pa ngayon. Dati naman naimik ka kahit papaano tapos bigla kang naging masayahin. Ngayon, bigla ka na lang nananahimik. And worst, wala ka ng pakialam sa paligid mo Tsk! Kawawang bata. ”at nagtawanan na naman sila.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...