Yumi's POV
Isang linggo. Isang linggo akong absent sa klase dahil sinigurado talaga ni mommy na maayos na ako. Wala na talagang lagnat.
Sa loob ng isang linggo na yun, same routine lang, gigising sa umaga, kakain, iinom ng gamot, tutulog. Paulit-ulit lang, kaya nakakatamad talaga. Wala kang magawa, dahil bantay sarado ka ng nurse sa kwarto.
Hindi tuloy ako makapag-wattpad.
“ Make sure, na magaling ka na talaga ha? If ever na sumama yung pakiramdam mo, call me. Okay? ” paalala sakin ni mommy habang inahahatid nya ako sa garahe namin.
Talaga lang ha?
“Y-yes mom. ”
“ Saka, wag kang aalis sa tabi ni ano ha? Yiiieh!!! ” pang-aasar pa nya.
Simula din ng mapa-absent ako. Hindi mawawala sa isang araw na hindi nya mababanggit sakin si Nash. Dahil ang laki daw ng naitulong nya sakin nung panahong nangangailangan ako. Pero ang hindi alam ni mommy, pinagtulungan ako nina Trixs nung monday.
“'M-mom? Please? Nagkataon lang na nandun sya, kaya nya ako natulungan. Yun lang yun. Wala ng ibabalik pa. ” nagpout naman si mommy. Kaya niyakap ko sya. “ Okay lang yan mom, haha. Bye alis na po ako. Please? You don't have to worry about me. ” kumalas naman ako sa pagkakayakap at humalik sa pisngi nya.
“ Okiiie! Basta don't skip your medicine ha? ” Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tumango. Saka ako sumakay ng kotse. Bumusina pa ako bago tuluyang umalis.
Habang nasa byahe napapaisip talaga ako.
Tama bang sya yung nakita ko noon? Bakit kasi sya pa! Kung pwede namang ikaw na lang!
Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding inis. Inis dahil sa naisip ko. Lalo na nang maisip ko si Trixhana.
Isa ka pa! Kakalbuhin naman talaga kita e. Baka nga mapatay pa kita. Leche!
Nang makarating ako sa parking lot, medyo marami narin ang tao. Bumuntong hininga muna ako bago bumaba ng kotse.
Maraming nagulat nang makababa ako. Syempre, andun na naman ang mga bulungan. Hindi ko na sila pinansin pa dahil baka tulad ng gusto kong gawin kay Trixs ay magawa ko sa kanila.
At sa hindi inaasahan, may narinig akong nagbubulungan mula sa hindi naman kalayuang pwesto. Nabanggit ang pangalan ni Trixs, pero diko alam kung bakit kusa akong napatigil at gustong pakinggan ang kanilang sinasabi.
“ OO. WALA KA KASI LAST WEEK. KAYA HINDI MO ALAM. ”
“ GRABE! ANG SAMA NAMAN NG UGALI NI TRIXS. ”
“ SOBRA. KAYA NGA SIGURO NAGALIT NG GANUN YUN.”
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...