Heyl's POV
Nang tawagin nga kami para pumunta sa gym ay maraming mga estudyante ang nagbulungan at nag-iritan dahil...
NAKAPULUPOT ANG KALIWANG KAMAY NI YUMI SA KANANG BRASO KO!!
Pagkapasok namin...
" WAAAAAAA!!! NAKAKAINIS, ANG CUTE NILA TINGNAN! "
" YEAH! THEY LOOK GOOD TOGETHER! "
" ANG GANDA NI YUMI! SHE LOOKS LIKE A PRINCESS! "
" PARA SILANG... ROMEO AND JULIET! "
" ANG SWEET NILA!!! "
" TSE! NAKAKAINGGIT SILA! "
" SANA ALL!!! "
We are both lucky to each other.
Pumunta kami sa unahang bahagi ng gym dahil lahat ng contestants ay nasa unahan, o sa madaling salita ay nasa stage kami at mga naka-upo. Habang ang mga judges ay nasa baba at sa amin nakaharap.
" Yumi, dito na kami ng dad mo okay? We will cheer you and him. Don't worry. " at hinalikan si Yumi sa pisngi.
" Thank you mom, dad? " baling nito sa daddy ni Yumi.
" Hmm! Enjoy, Yumishy! " at yumakap din ito kay Yumi.
Magkahiwalay kasi ang upuan ng mga guests kaysa students. Sa kaliwang bahagi ay dun ang mga students nakaupo while guests are on the other side.
Medyo nanlalamig ako habang papaakyat ng hagdan, maraming nagsisigawan ngunit hindi ko marinig dahil ang naririnig ko lang ay ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Kinakabahan ako.
Naupo kami sa gitna dahil pangatlo kami sa rarampa dahil nga junior kami. Katabi ko sa upuan yung babaeng sophomore na nakakulay white gown tapos naka-ponytail ang ipit nya. Nahihiya sya nung maka-upo ako kaya naman nginitian ko sya.
" Hello. " nakangitimg bati ko sa kanya.
" H-hi, heyl. "
Kilala nya ako!?
Hindi malabo, dahil kilala rin ako sa school na'to.
" Goodluck. " nakangiting sabi ko pa at ngumiti naman sya.
" Sa'yo din. " Tumango na lang ako at muling bumaling kay Yumi. Masyadong seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa kung saan kaya naman siniko ko sya.
" Are you okay? "
Nilingon nya ako at pilit na ngumiti. " Yeah. Meron bang dahilan para hindi ako maging okay? " pagbabalik nya ng tanong at natawa naman ako.
" Nothing. So, make yourself happy. Dahil sayang naman, you're beautiful today tapos malungkot ka at masyadong seryoso. " ngumiti naman sya sakin.
" Kaya dapat ganun ka rin, gwapo ka ngayon at ikaw ang karapat-dapat na manalo. "
* LUNOK! *
Plan...SUCCESSSSSS!!!
May saya akong naramdaman nang masabi ko iyon sa isip ko at muli akong tumingin sa kanya.
Sorry, if you are one of my target, Yumishy Rein Fharnela.
Medyo nalungkot din ako sa isiping yun dahil sa ganda ng ipinapakita sakin ni Yumi, ay wala naman dapat na dahilan para sya ang maging target ko sa panlolokong gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Teen FictionSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...