Chapter 23: Mr. & Ms. Famous Modeling 4 ( Fashion Show )

3 0 0
                                    

Yumi's POV

Nakakaproud.

Matapos ang aking performance ay todo papuri ang natanggap ko sa mga kasama ko. Dahil bukod sa magaling daw akong sumayaw at kumanta...

Kinanta ko ay KOREAN.

Ang totoo ay paborito ko talaga ang korean kpop lalo na ang BLACKPINK.  Kaya sinaulo ko talaga ang mga kanta nila.

Congrats! Ang galing mo kanina. Unexpected. ” salubong sakin ni Heyl pagkapasok ko sa backstage. Ngumiti ako sa kanya.

Thanks. ”

“ Kaya kita nagustuhan e. ”

Hala sya!

T-tsk! ”

“ It's true. Haha. Magbihis kana at sunod na ang Fashion show. ” nakangiting tinapik nya ako sa balikat. Sinundan ko pa sya ng tingin at napaisip.

Lalo mong pinalala ang nararamdam ko.

Nang bigla kong maalala si Cass.

H-hanggang kailan mo ba ako matitiis ng ganito? H-hindi ko kaya.

At pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata ko bago magpunta sa dressing room.

Sinuot ko ulit ang Blackpink gown ko bago lumabas sa kwarto'ng iyon. Nang lumabas ako ay wala na ang freshmen kaya tinanong ko kay heyl.

Where's the others? ”

“ Narampa na. Haha! ”

“ Eh? Ang bilis naman. ”

“ Mabagal ka lang talaga. HAHA! ”

Yung tawa na naman nya!!

“ L-loko! ”

“ Joke lang. Haha! ” tumawa kami hanggang sa mapatingin ako sa likod niya.

Si NASH!

Agad nyang iniwas ang tingin at kunwaring kinausap ang partner nya.

Tsk! Pakunwari pa. Eh kanina pang huli.

Kanina ko pa kasing napapansin na pasimple syang natingin sakin. Pero dahil wala na akong pakialam. Inirapan ko na lang sya kahit hindi sya nakatingin.

And the sophomore candidates!!! ” masayang sigaw ng emcee kaya lumabas na ang dalawang sophomore. Rinig na rinig ko ang mga sigawan ng estudyante pero natuon pang ang paningin ko kay Heyl.

Ang gwapo nya.

Hhhooh!! We're next. ”nakangiting sabi nya sakin kaya naman ngumiti ako.

Haha! Oo nga. Tsk! I feel little bit nervous. ”

“ Iniisip ko tuloy kung bakit ka kinakabahan e, nandito naman ako. ”

Ayan na naman sya. Nagsisimula na naman sa sweet words.

H-hindi naman sa g-ganun. Marami lang kasing e-estudyante dy------! ”

“ Then, don't be nervous...” pigil nya sa sasabihin ko. At tiningnan ako sa mga mata. “ because I am here for you. Okay? ”

Pakshet! Bakit ba sya ganyan?

Seryoso sya ngunit makikita mong naka-ngiti sya ng may tamis sa labi.

And the Junior candidates!!! ” sigaw ng emcee kaya dun lang ako natinag. Dun ako pumwesto sa kanang bahagi ng labasan habang si Heyl naman ay sa kaliwa.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon