Chapter 35

8 0 0
                                    

Heyl's POV

Buwan na ng September, it means, BER MONTHS na. Kapag ganitong buwan pa naman ay pinagpaplanuhan na dito sa FIS ang mga gagawin nila lalo na pagdating ng December. Tulad ngayon, usap-usapan dito sa loob ng room ang tungkol sa Christmas ball.

PRE, SINONG PARTNER MO SA CHRISTMAS BALL? ”

SYEMPRE, YUNG GIRLFRIEND KO. IKAW? ”

YUNG NILILIGAWAN KO NAMAN. ”

Kung ako ang tatanungin nyo, syempre si Yumi ang akin.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa upuan ko habang nagce-cellphone. Masyadong maingay dito sa loob ng room dahil nga sa topic na yun. Bigla naman dumating sina boi, I mean sina Harry at Charles. Tiningnan lang nila ako at dun nilampasan. Bigla namang bumakas sakin ang kalungkutan dahil sa ginawa nila sakin.

Hangin na lang ba talaga ako sa kanila?

To be honest, miss ko na yung samahan namin. Samahang, sobrang saya, samahang walang katulad na ngayon ay parang bula na bigla na lang nawala. Minsan nga tinatanong ko sa isip ko...

Tatanggapin pa kaya nila ako? Kapag nag-effort akong mag-apologize? Kapag sinabi ko sa kanilang, mahal ko na si Yumi? Paniniwalaan kaya nila ako? O paniniwalaan na lang nila na isa akong manloloko? Pero, gagawa ako ng paraan para paniwalaan nila na may pagbabago.

Gustong-gusto ko silang kausapin sa bawat oras na makikita ko sila. Sa bawat oras na nagtatawanan sila na dati ay kasama nila ako. Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko. Noon, akala ko, ang pagiging isang player ko ang makakapagpasaya sakin pero nagkamali ako, dahil ito ngayon ang naging dahilan na aking pagkalungkot.

I don't know what to do.

Matapos ang pang umagang klase ay break time na. Inaayos ko ang gamit ko ng biglang...

Haha! Ako din bo----! Ow! Sorry, hindi ko kasi nakitang may tao pala. ” paumanhin sakin ni Charles nang masagi nya ako. Ramdam ko ang pagkasarkastiko na naging dahilan upang hindi ako makapagsalita at napatingin lang sa kanilang dalawa ni Harry.

Let's go, boi! ” si Harry. Nilampasan na lang nya ako at sumunod naman dun si Charles. Hindi ko na sila sinundan pa ng tingin at tinuloy ko na lang ang ginagawa ko pero may tumulong luha sa mga mata ko.

Yung wala silang pakialam sa presensya mo. What a very painful thing it is? Hays!

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon