Heyl's POV
Napapahiya naman akong napatingin kay Yumi nang tumikhim sya. Nakita ko namang salubong ang kilay nya kaya naman nagsalita na ako dahil naiilang na ako.
Huli naaaa!
" Y-yumi? Bakit di ka pa u-umuuwi? " kabadong tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga naman sya.
" Actually, magpapaalam na nga ako sa'yo. So, I go home na. It's almost quarter 5 na kasi. " Sabi nya at tumalikod na sakin.
" S-sige. Take care. D-drive safely. " humarap pa muna sya sakin bago tumango at pumasok ng kotse nya. At sinundan ko pa ng tingin ang pag-alis nya. Nakahinga naman ako ng maluwag, dahil kanina talaga ay kinabahan ako dahil hindi ko naalala na nandito pa pala sya at kitang-kitang nakikipaglandian ako sa iba.
Eh ano nga naman pala sa kanya?
Hoy! Heyl! Baka nakakalimutan mong nagsisinungaling ka sa kanila! Yung mga pa-loyal loyal mo pa dyan na nalalaman!
Sabi ko nga!
Para akong tangang kinakausap ang sarili gamit ang aking isip. Nang lingunin ko naman yung mga babae kanina ay napangiti ako dahil andun pa sila.
" Oh! Sorry. Kung naabala ang pag uusap natin. " sabi ko sa kumuha ng number ko kanina. Ngumiti naman sya na parang kinikilig.
" It's okay. Mmm... May gusto kaba kay Yumi? "
" No. She's not my girl type. " nakangiting sabi ko sa kanya, ngumiti rin sya.
" Good. So, mauna na kami? See you again. "
" S-sige. I hope na magkita ulit tayo next time. Para naman makalabas tayo minsan. "
" S-sure! So, I have to go. Bye. Take care. " sabi pa nya. Ngumiti rin ako sa kanyang mga kasama nya. Nag iritan naman ang mga ito dahil sa kilig.
Pag ako ga!
" KYAAAAHH! ANG BAIT NYA! "
" OO NGA! HINDI PA SNOBBER "
" HINDI TAYO MAHIHIRAPANG LAPITAN SYA "
" KAYA NGA. ANG SWERTE NATIN "
" OY! ELISE ANONG NUMBER NYA! PAHINGI! "
Elise... Mmm!
" AYOKO NGA! IKAW ANG HUMINGI SA KANYA! "
" DALI NA! DAMOT MO NAMAN! "
" I DON'T CARE! "
Rinig ko pang sabi nila ng makaalis na sila.
Nang makaalis na sila ay pumunta na ako sa aking kotse at nang akmang bubuksan na ang pinto ay biglang may tumaaag sakin.
" Heyl! " lapit sakin ng tatlong cheering squads. Ngumiti ako ng wagas.
Ang gaganda nila!
" Hi beautiful ladies. " nakangiting bati ko sa kanila. Kinikilig naman sila habang papalapit sakin.
" Hello handsome Heyl. I am Path " pakilala sakin nung nasa gitna. Malamang leader nila.
" Nice to meet you Path " at inilahad ko ang aking kamay. Tinanggap naman nya iyon. Mmm... kung tutuusin, sya ang pinakamaganda sa tatlo. Sobraaaa!
" And I am Mica "
" And of course, Kyla " nakangiting bati naman ng nasa kaliwa ni Path. Ngumiti ako ng wagas.
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Novela JuvenilSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...