Heyl's POV
Haha. Ang cute mo tumawa. Attracting. "
d O _ O b -------> Me
d ^ _ ^ b -------> Yumi
d O _ o b -------> Cass, Charles at Harry.
Nadali mo ako dun, Yumi.
" Ang galing mo naman magjoke. Haha! " Sagot ko kay Yumi. Diko alam pero parang tumatak yun sa isip ko. Ang salitang binagsak nya.
" Seryoso ako. "
Seryoso nga sya at halata naman. Para tuloy akong may naramdaman na kumiliti sa aking puso. Ngunit hindi ako alam kung may nararamdaman ba ako sa kanya. Hindi ko talaga alam. Ngumiti ako kay Yumi.
" Natahimik ka? Alam mo Heyl, pag KJ ang isang tao. Seryoso yan! Tulad nyang si Yumi " Tama si Cass. Hindi kasi malimit magbiro ang mga KJ kaya ang mga sinasabi nila ay laging totoo. Hindi katulad ko.
" Haha. Nangangamoy Forever yata. " pakikisali naman ni Charles sa usapan. Napahawak naman ako sa aking batok habang nakangiti.
" Psh! Walang Forever " Sabi nga nina Harry, bitter talaga si Yumi. Basta marinig lang daw nyan ang word na FOREVER. Kumokontra ka agad yan.
" Ang bitter mo nga talaga Yumi. " Ngumiti na lang sakin si Yumi, marami pa kaming asaran bago kami umuwi sa aming mga bahay-bahay.
Dumiretso naman ako sa malapit na Resto dito sa FIS dahil may tatagpuin ako. Pag pasok ko ng entrance dito sa resto ay hinanap ko na kaagad ang aking tatagpuin. Hindi naman ako nabigo.
" Sorry I'm late. " Paumanhin ko. Saka ako umupo sa tapat nya. Ngumiti naman sya sa akin.
" No worries. It's okay. " Si Hannah. Ang nililigawan ko. Hindi sya sa FIS napasok kaya pasalamat ako dun. Bakit? Syempre makakahanap ako ng iba pang girls ng hindi nya alam. Nagsimula ko lang syang ligawan ay nung isang linggo lang. At syempre, hindi naman ako mahirap makakuha ng mga babae, dahil sila na ang lumalapit sakin.
" Bakit mo nga pala ako pinapunta dito sa resto? " Dagdag pa nya. Ngumiti ako ng bongga pero peke lang yun.
" Namiss kasi kita. " joke lang yun. Asa pang mamiss ko sya. Sa dami kong gustong babae, Hindi sya kawalan.
Kung tutuusin hindi ko naman talaga sya gusto. Niloloko ko lang sya para lang hindi magalit sakin si Daddy. Kasyoso kasi namin sila sa business namin, sabi ni Daddy ligawan ko daw si Hannah. So ginawa ko. Pero nung nawala si daddy, balak ko ng itigil ang kahibangan na ito.
" Ikaw talaga! " Kinikilig pa sya nyan. Gusto kong matawa pero pinilit ko lang talaga. Habang nagkukwentuhan kami ay biglang nagring ang cellphone ko.
Si Trixs.
Tumatawag sya. Nag excuse muna ako bago ko sagutin ang tawag ni Trixs. Lumabas ako ng resto.
" Napatawag ka? "
" Pwede ba tayong magkita? "
" Saan? "
" Dito sa may Bar, malapit sa Mall. "
BINABASA MO ANG
Impossible Makes Possible
Fiksi RemajaSa buhay natin, meron tayong mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari. Mga bagay na akala mo IMPOSIBLENG mangyari pero kapag dumating ang tamang panahon, masasabi mo na lang sa isip mo na... IMPOSSIBLE MAKES POSSIBLE. Nakakapagtaka mang isipin...