Chapter 48: Yumi's Birthday

4 0 0
                                    

Cass POV

Alas sais na ng gabi pero nandito parin kami sa food chain. Marami na kaming pinagkwentuhan at hindi rin namin namalayan ang oras ni Heyl. Para akong nasa hot seat dahil sa mga topic namin.

Lagot ako kay Yumi ne'to. Male-late ako sa party nya.

" Sa ayaw at sa gusto mo. Liligawan kita. " gulat akong napatingin sa kanya. Masyado syang seryoso.

No. I can't cheat my own bestfriend.

" No. Don't do that. Masasaktan lang naten si Yumi. Yes, parehas tayo ng nararamdaman but please, isipin naten ang mangyayare kay Yumi kapag nalaman-----"  sabi ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko naman yun at may text si Charles sakin.

From: Charles

Nasaan na ka na? Papunta na kami ni Harry. Wala parin dito si Heyl. Tch! Paki-bilis. Wag nyong paghintayin si boi.

Hays!

Compose message...

May dinaanan lang ako. Wait.

Sorry. I lied.

" Hindi naman natin sasabihin sa kanya. Sa tamang oras at panahon natin sasabihin 'to sa kanya. If we ignore our feelings, do you think we will be happy after that? " tama sya. I'm in between right now. Between iniisip ko ang mangyayare kay Yumi at yung nararamdaman ko.

Yeah, when I accept Heyl, alam kong sasaya ako dahil our feelings is mutual. Kaso ang dami kong but's sa isip ko.

" K-kahit na. Bestfriend is better than relationship. Kapag nawala ang kaibigan mo, tingin mo sasaya ka rin ba kapag nakuha mo yung gusto mo? " naiiyak na sabi ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon.

" I get your point. Pero paano naman yung nararamdaman natin? Kung ipagpapatuloy kong ligawan si Yumi, mas masasaktan sya kasi minamahal nya ang taong hindi naman sya yung mahal. " giit nya sakin kaya mas lalo akong naguluhan. Tama lahat ng pinupunto nya kaya naiinis ako sa sarili ko.

Baket kase naramdaman ko pa 'to? Gumulo lang ang buhay ko.

" P-pero----"

" Wag mong pilitin ang sarili mo sa mga bagay-bagay. Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita ng patago. " pagmamatigas nya kaya naiyak na ako ng tuluyan. Tumayo naman sya at niyakap ako.

" N-natatakot ako na baka m-malaman ni Y-yumi, kapag n-niligawan mo na a-ako. "

" Shh! I can handle that. " at dun nya ako niyakap ng mahigpit.

Sorry boi. Ayaw ko man pumayag pero iniisip ko din yung kaligayahan ko. Hope you understand.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Yumi's POV

Magsisimula na yung party ko pero hindi parin dumadating sina Cass at Heyl.

What happened?

Malungkot na sabi ko pa sa isip ko. Tumabi naman sa akin sina Harry at Charles. Kasalukuyan kaming nasa living room ng bahay namin dahil konting minuto na lang ay lalabas na rin ako.

" Wala pa silang text e. " si Harry. Hindi ko na napigilang ipakita sa kanila ang lungkot ko. Kaya naman ngumiti sila sa akin.

" Baka naman natraffic lang. " pilit ang ngiting sabi ni Charles. Tumungo na lang.

Impossible Makes PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon