June 27, 2018
•••***•••
Ang Sarap siguro mainlove noh. Yung tipong parang nasa alapaap ka tuwing kasama mo sya. Or everytime you look around, flowers and rainbows are what you see...Hmmm , at yung yakap nya at halik ay tila nagdadala sayo sa kalangitan. And then , yung lalakeng mahal mo, ay sing gwapo pa ni Chris Evans, or sing yaman ni Tony Stark at syempre sing hot ni Christian Grey!!! Mga ganung tipo! Solve na ako Lord!!
At eto na nga sya ngayon, nag aantay sa akin sa harap ng altar!!! Ang gwapo gwapo nya!!! Naiihi na ako sa sobrang kilig! Ganun ang epekto!! Maniwala kayo, ganon talaga ang epekto pag nakita mo na ang one true love mo. Mapapasabi ka talagang " this Gotta be Looooovee!!!!"
Haban palapit ako, nakikita ko ang pag iba ng itsura ng ultimate love ko! Bakit di na to kamukha ni Captain America?? ..May pagka kulot ito pero gwapo naman. Naguguluhang nagpatuloy pa din ako sa paglakad. Kahit na di naman ito kasing tisoy ni Chris Evans eh gwapo naman ito!!!
Malapit na ako mahal ko, ito ang gusto kong isigaw! Ang ngiti sa kanyang labi ay nagpapatunay na ito din ay inlove na inlove din talaga sa akin! May spark eh! Yung ngiting colgate na kumikislap sa kaputian ang ipin, yung mga matang parang naghugis puso! Ganun na ganun ang itsura nito!! Pakshet, ang ganda ko lang talaga!! Mahal na mahal ako ni Lord para biyayaan nya ako ng mala Adonis na jowa!!!!
" Sarah.." tila may tumatawag sa ngalan ko. Pero deadma lang, itutuloy ko pa ang panaginip ko!!! Kaya mas lalo kong pinikit mga mata ko!
" Sarah!!!!! hija, gumising ka na nga dyan !! Bumangon ka na'" . I stirred a bit dahil sa hinang yugyog nito sa katawan ko.. But i kept my eyes closed!! Eto na eh! Andito na yung Man of my Dream ko!!!! Hahawakan nya na kamay ko!!! Mahahalikan nya na ako!!!!
"Kukurutin kita sa singit mo pag di ka nagising dyan!! May klase ka!!!! "
" hmmm.. "
" buhusan kitang malamig na tubig, gusto mo?!"
" ihhh!!! Gising na ho!!!" Busangot kong sagot.
" aba't pabagsak ka nang sumasagot sagot sa akin ah!!! "
" Lola Ena naman ih!! Gising na po!!!! " padabog akong naupo ng kama. Pikit ang mga mata, wasak ang buhok gaya ng panaginip kong nawasak na lang bigla nang dahil sa paggising nito!!!!!
" magandang umaga din sayo apo ko" puno ng sarkasmo ang boses nito.
" kasi naman po Lola, andun na ako eh! Mahahalikan ko na ang Ultimate Love ko! Ginising mo pa ako!!"
" aba't , eh dapat ka nga pala talagang gisingin! Dahil sa sumusobra na yang panaginip mo! Yan ang napapala mo sa kakabasa ng pocketbooks at kanonood ng love stories." tuluyan na itong tumayo mula sa pagkakakupo sa gilid ng kama ko saka hinila ang isa kong kamay. "Halika na apo ko. Nagluto akong sangag , may mainit na tsokolate pa akong handa para sayo. At yung marinated na bangus ang prinito ko kaya gumising ka na dyan at mag aalmusal na tayo.. "
Nakapout akong nagmulat ng mga mata. Ang swerte ko lang talaga.. sina Lola Ena at Lolo Eddie na ang tumayong mga magulang ko. Ulila na akong lubos at sila na ang nakagisnan kong magulang simula ng magka wisyo ko.
Retired principal si Lola Ena at retired na hepe naman si Lolo Eddie. At ako naman ang nag iisa nilang princesa!! At isa akong guro!!! Elementary teacher ako sa dating school na pinapasukan ni Lola, at kaya ko siguro nagustuhan ang maging isang guro kasi ang hilig ko sa mga bata. At wala akong kapatid kaya magaan ang loob ko sa mga bata.
BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanfictionAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.