Chapter 17

3.1K 95 18
                                    





•••***•••

" dito ka na magpalipas ng gabi. " ani Matteo.

"  ha? Pwede pa naman sigurong umuwi. Di pa naman masyadong malalim ang gabi. "

" but its raining hard. " tama naman ito. Masyado nang malakas ang ulan. Ngayon ako nag aalala para kina Basil. Kumusta na kaya ang mga ito sa resort? Sina Lola at Lolo din. Mukhang di ang mga ito makakatulog..  " tatawagan ko na ang Lolo at Lola mo at ipagpapaalam kit-

" hindi na! "' mabilis kong sagot dito. Ang alam nila na kina Basil ako mag oovernight ngayon at hindi sa bahay ng jowa ko!

" are you ok?"

" yes! Oo naman. Ano , ako na lang ang mag papaalam .. "

" good. I'll prepare our room.. " tumango ako.

Ngunit, habang nagpoprocess sa utak ko ang sinabi nito, bigla akong napatayo.

" teka! Anong sabi mo?" I need to ask him again .. baka namali lang naman ako ng rinig..

" i'll prepare your room. " may ngisi sa labi nito nang sumagot sa akin. " you call your grandparents, habang aayusin ko ang matutulugan mo.. "

" o-ok ..thank you. "  sabi ko na lang.

" sige.. " umalis na ito sa harapan ko at napatingin na lang ako sa labas ng bintana.

Shit! Ang lakas ng hangin at ulan!!!  Dali dali kong dinayal ang number ni Lolo.. mabilis naman itong sumagot.

" ok lang ba kayo dyan?? Ang lakas ng hangin at ulan dito. "

" lo., ok lang po. Kayo po ni Lola??? Kumusta po kayo dyan? "

" ayos lang kami dito. Ang inaalala lang namin ay yung takot mo sa kulog at kidlat. Tiyak namin na di ka makakatulog nyan. "

" ok lang po. Magtatalukbong lang ako sa ilalim ng kumot" biro ko. Alam kong nag alala ang mga ito. Masyado akong matatakutin. Naalala ko nung highschool ako, dahil sa sobrang takot, inatake ako ng hika. Halos di ako makahinga nung panahong yon. Kaya simula non, sa tuwing malakas ang ulan na may kasamang kidlat at kulog, tabi ko sina Lolo at Lola na natutulog. Nasa gitna ako nila..

" apo.. " si Lola na ang nasa kabilang linya
. " pakausap ako kay Basil, may sasabihin ako." . Dahil sa sinabi nito, halos mabitawan ko na ang hawak na cellphone! Anong sasabihin ko?? Anong gagawin ko??

" ah-po?? Lo- di -ko ka- yo? He- hello!?" . Forgive me Lord for lying.. Naku, ngayon ko lang ito talaga gagawin. " hello- la, nawa- signal. La??"

" hello.. apo, ingat na lang kayo dyan ah! "

" hello po. Opo.. bye po. I love you po.. kayo ni Lolo!!"

Pagkababa na pagkababa ng tawag, si Basilio na ang tinawagan ko.

" bes?? Ok lang kayo dyan??" Bungad ko.

" oo! Malakas lang talaga ang hangin . Keri lang naman! Kumanta kasi si Baste, kaya ayun, lumakas ang ulan!!!"

" ha- hahhaahha!!! Pasabi sa kanya, tigilan nya na pag kanta! Pati kami dito nadadamay!!"

" oo ! Sasabihan ko talaga ang mokong na yon !! Hinanap ka nya.."

" anong sabi mo? Di pala ako naka pagpaalam dito.."

" sabi ko, umuwi ka. At wag ka nang hanapin. "

" salamat bes, ah.. salamat . "

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon