Chapter 2

2.4K 73 53
                                    




•••***•••

" san galing?" Bulong ko kay Basil. Kasalukuyan kaming pabalik ng aming mga rooms dahil katatapos lang ng flag ceremony. Naghihiwalay lang ata kaming dalawa pag matutulog na. Hangang uwian kasi, magkasabay pa din kami!

" Texas daw! Englisher yan panigurado!"

" malamang! Magugulat naman ata tayo pag bisaya ang salita nila sa Texas, nuh? "

" ay may tama ka!! Eh gagi ka, ginatungan mo pa ang panloloko ko sayo! "

" eh malamang din gagatungan ko, eh pareho tayong gagi!walang kaseryosohan ang lumalabas sa mga bibig natin! Magugulat tayo pag patungkol sa problemang puso ang pag uusapan natin! Or problemang asawa, diba?!" .

" kaya tayo best fwends, kasi pareho tayong matataba ang utak! May cholesterol na nga ata utak nating pareho! Ang taba!" Sabay bunghalit nito. Natigil lang kami sa kakadakdak at kakatawa nang namataan na namin ang papalapit na principal namin. " Ang nanay ni Miss Menchin andito na" pabulong nitong sabi sa akin. Parang pinaglihi ata sa sama ng loob itong principal namin dahil sa sobrang pagka strikta nito! Daig pa nito si ms menchin sa kamalditahan! At miminsan mo lang din itong makita na nangingiti, ang mahal masyado ng ngiti nito. Tuwig birthday nya lang ata sya ngumingiti or tuwing may sponsors na pumupunta dito sa school namin.

" Miss Geronimo. " tawag nito sa akin. Hinugot ko mula sa kaibuturan ng aking diaphragm ang hininga saka ako ngumiti dito.

" Good Morning Ma'am Talipandas , Ma'am Talapandas po.. " . Mukhang di naman nito narinig ang paunang bati ko. Ngunit itong bestfriend ko ay siniko ako upang palihim na sabihin sa akin na narinig ako nito! Nilingon ko ito at nakita kong nakangisi lang..

" Good morning Ma'am Talapandas, mauna na po ako sa room ko " sabat naman ni Basil. Tinanguan lang ito ng principal namin at muli na itong tumitig sa akin. Kasama na nito panigurado ang sinasabing transferee ni Basil.

Base sa unang tingin ko sa batang lalake, rk na rk ito! Rich Kid!!! Ang kinis ng kutis, namumula ang pisngi na mukhang di sanay sa mainit na klima. May pagka chubby ito at medyo matangkad kumpara sa mga kaedaran nito! At gwapito ang batang to, pero mukhang suplado! Straight face lang ito sa akin! At kung tama nga si Basil na taga Texas 'to, mapapasabak ako sa inglesan nito!

Pasimple akong suminghot, naiimagine ko na manonosebleed ako dito! Advance kaya ako mag isip, kaya nagpunas na ako ng panyo sa ilong ko!

" Miss Geronimo , this is Kyle Eligio Arcenas or Kaygee for short. Kakalipat lang ng pamilya nya sa lugar natin at simula sa araw na to, magiging estudyante mo sya. " pahayag ni Mother Menchin!

" Hello Kay-

" where's my chair, i wanna sit now! " . Aba't may pagka bastos tong batang to ah! Brat! Sasabat pa sana ako nang inunahan na ako ni Madam principal.

" Miss Geronimo, let him find his seat now. .Iwan ko na sya sayo. May susundo sa kanya mamaya after class, and habaan mo pasensya mo sa kanya" . Sabi nito nang nakitang nauna nang pumasok ng room ang bata. . Mahina nitong tinapik ang balikat ko saka muling nagsalita.. " hindi sya sanay sa klase ng buhay natin. . Bantayan mong maigi , hayaan mo munang makapag adjust sya at wag mo na munang piliting makipag kaibigan sa mga kaklase nya. He's a a loner, yon ang sabi ng guardian nya, "

" noted ma'am. Ako na pong bahala sa batang yan. "

" salamat. I know he'll be in good hands. "

" yes Ma'am. "

" send my regards to your lola.. " pagkasabi nito , naglakad na syang palayo.

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon