Chapter 6

2K 77 46
                                    





•••***•••

" ah- sa sa likod na lang ako.. " . Natatarantang sabi ko dito. Di ako nito pinansin saka muling nagsalita.

" why? I wont bite you. " may mapaglarong ngiti ito sa labi habang kausap ako. Hindi ko to napaghandaan! Kanina lang ito ang laman ng usapan namin, tapos biglang susulpot ito ngayon at makakasabay namin pauwi! At ang siste, katabi ko pa ito sa buog byahe!! How to stay calm??! Charr!!

" pero kasi , si Basil na lang dito sa harapan. Dun na lang ako katabi ni momshie.. " sabi ko na lang. May pakagat labi pa itong nalalaman, saka naiiling na mas linakihan ang bukas ng pintuan!

" hop in. "

" huh?"

" halika na" . Tila sa simpleng pag ngiti nito natangay ako, at nahipnotismo. Iba din ang taglay nitong karisma! Napapasunod ako!

Naramdaman ko na lang ang pag upo ko at ang mahinang pagsara ng pintuan. Ilang segundo lang ang nagdaan at nasa tabi ko na ito..

" we'll meet my driver halfway, so you can give the key to him" kausap nito si Basil ngayon na kakaupo lang tabi ni momshie. " tire size nga pala?" He asked him, while turning on the engine. Bawat galaw nito ay nakasunod ang aking mga tingin. Mukhang nahipnotismo na ako nito!

"205-60-16"

"Ok .. ako nang bahala." Tinawagan at kinausap na nito ang tingin ko ay driver nya. Detalyado nitong sinabi sa kausap ang nangyari sa kotse ni Basil. Maski isa sa mga sinabi nito ay di ko nagets! After the call, Basil talked.

" thank you po pala Doc. Kung di kayo nakadaan, di namin alam kung anong gagawin."

" no prob.. "

" sige hijo. Salamat ah, babawi ako sa kabutihan na pinakita mo sa amin ngayon ." Si momshie

" walang anuman po.. you dont have to. Im helping you because they are my nephew's teachers "

" salamat pa din po Doc. Tsaka nakakahiya po at naabala pa namin kayo" sunod na sabi ni Basil.

" no, di kayo.  Sa iisang lugar lang naman tayo umuuwi. And it's not safe kung mag aantay kayo sa daan ng higit isang oras para masaklolo. "

" hmmm. May kabaitan ka din pala " bulong ko.

" you were saying?" Sa akin na nakatutok ang mga mata nito. Narinig ba ako nito???

" ah- wala ah! Sabi ko lang, salamat. Ano bang narinig mo??" Taranta kong sabi.

" hmmm. Like kabaitan something.. "

" wala naman ih. Medyo bingi ka na doc. Naku, pa check up ka. "

"Sige sige, papa check up na nga lang ako. Baka nga nabingi na ako, pero ok lang bingi, " sabi nito.. then the next words came almost a whisper..,"wag lang sinungaling... "

What the??!!!

Naramdaman ko ang biglang pag init ng aking pisngi! Sheeeeet! Mukhang narinig talaga ako nito! Pigil ang magpapadyak dahil sa kahihiyan, minabuti ko na lamang na kunin ang cellphone ko at magpanggap na may katext! Nakakahiya naman kasi ih!!

Nagpangap akong may katext kahit wala naman. Lahat na lang ng soc med accounts ko binuksan ko na at binasa. Kung bakit kasi medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko!

Swabe ang paraan ng pagmamaneho nito. Pinapakiramdaman ko ito ngayon. Si momshie lang ang kumakausap dito. Ang daming tanong. Mukhang nakalibre na ito ng check up. Tanong about sa maintenance at iba pang gamot ang usapan nila.

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon