•••***•••" Lolo naman ih! "
" tss! Kayong dalawa nang lola mo, ang oo-a ah! Hayaan nyo na nga akong maglakad sa labas!"
" hindi pwede!!!"
" mag iisang buwan na ang lumipas ! Oa kayong dalawa!" Magmula nang makauwi kami, mas lalong tumigas ang ulo nito! Ang mga gusto nya ang laging nasusunod. At ayaw na ayaw nyang inaalalayan sya dahil malakas namandaw sya!!
" haiii bahala na nga po kayo!" Sabi ko sabay walk out! Iniwan ko na ito sa may balkonahe at pumasok na lang.
" oh bakit ang busangot ng mukha mo?" Lola asked me. I sighed hard before answering.
" tigas ng ulo ng asawa nyo po. Gusto nya raw magpahangin sa ilalim ng puno! Eh lola, mainit pa po!"
" alas kwatro naman na, malapit nang mag five. Hayaan mo na. At ikaw, magbihis ka na don,dahil susunduin ka na ng nobyo mo!"
" ay! Opo nga pala!!"
" mag enjoy ka don ah. Bukas ka pa daw nya ihahatid. Andito naman si Rose na syang makakasama ko kaya wag mo na kaming aalahanin"
" opo la. Pero medyo kabado po ako" pag amin ko. Ngayong gabi ako ipapakilala ni Matteo sa pamilya nya. Makikita ko na naman ang kapatid nitong si Mia! Wedding anniversary ngayon ng lolo't lola nya. Ang buong angkan nya ang makakasalamuha ko ngayong gabi. Kaya pinaghandaan ko ang araw nato.,
" tandaan mo ito palagi Sarah, hindi sa estado ng buhay nasusukat ang lalim ng pagmamahalan. At ikaw, wala kang dapat na ikahiya. Hindi man tayo kasing yaman ng pamilya nila, mabuti naman ang ating mga puso. At teacher ka. At apo kita, at pareho tayong maganda!"
" si Lola talaga!!"
" hahahaha.!!pinapatibay ko lang ang loob mo. Mahal ka ni Matteo kaya kampante akong di ka mapapano sa party na yon"
" first time ko po Lola. Paano na lang pag di ako matanggap? Gaya nung napapanood natin sa teleserye?! Or bigla na lang itakwil si Matt?? Or worst, Lola , bigla na lang kami paghiwalayin. "
" Sarah?!"
" tapos sisigaw ang lolo at lola ni matt, 'Mamili ka!! Kami o ang babaeng yan?!'.nakooo lola , paano na yun?"
" ewan ko sa imaginations mo Sarah! Ang layo na ang narating ng kwentuhan natin!"
" maliligo na po ako! Excited na ako makilala sila!!"
" sige na. Doon ka na, baka mamaya lang konti andito na si Matteo! At ako naman, lalabas na muna at sasamahan ang lolo mo"
" ok po!'"
Ito na ata ang pinaka matagal kong ligo! Sabi naman ni Matteo sa akin, casual lang daw. Alas 7 pa naman ng gabi ang dinner. And according to him, kokonti lang ang bisita. Sila-silang magkakapatid at pamilya ng mga kapatid nya ang nandoon. Apat ang mga ate ni Matt.. Memoryado ko na nga eh!
Si Leai ang panganay na isang chef sa New York. Dun na din ito nakabase kasama ng pamilya nito. Sunod naman si Mia, na mama ni Kaygee na isang alahera. Negosyo nito ang mag disenyo ng alahas! Ito na din ang pinakamataray na babaeng nameet ko! Deadma na lang dito, bahala sya sa buhay nya!
Pangatlo naman si Naddie na may ari ng isang resort sa Siargao. Ito din ata ang mahilig sa dagat! Laking dagat daw ito, at halos buong buhay ay nasa dagat lang'! Sirena ata to! Ang ikaapat naman ay si Ofel na isang modela! Pak!! Mowdel!! Commercial model ito and according to Matt, ito ang miss congeniality ng pamilya! Halos lahat ay kilala nito!
BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanfictionAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.