•••***•••" La!!" Nakita ko ang umiiyak kong Lola na nasa labas ng emergency room. Andun na din sa tabi nito si momshie at ang papa ni Basil. Kahit ang kuya ni Basil , andun din,
" Sarah. " mahigpit akong niyakap ni Lola. Patuloy pa din ito sa pagtangis at ang tanging nagagawa ko lang ay yakapin ito ng mahigpit. "Baka mapano si Lolo mo, hindi ko kakayanin.. "
" sshhh.. walang mangyayaring masama kay lolo" though deep inside me, im so damn afraid! But i have to be strong. Hindi maaring maduwag ako. Kailangan ako ng lola ko ngayon..
" sabi ko na kasi sa kanya, wag nang magpapagod pa! Ang tigas ng ulo! . " tears pooling down from her eyes so fast, and i couldnt stop myself from crying too. "Hi-hindi ko kaya pag may , may mangyaring masama sa kanya"
" la naman. Tama na po sa pag iyak" pinunasan ko ang mga luha nito saka dahan dahang inupo sa upuan. "Malakas si Lolo. Gagaling sya!"
" tinatawagan kita. Kasi natatakot ako. Tumatawag ako sayo, pero di ka sumasagot. Buti at may numero ako ng nanay ni Basil, sila ang hiningan ko ng tulong.."
Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang higit sa lima na missed calls mula kay Lola. . Nakokonsensya ako. Pag may mangyaring masama kay Lolo, kasalanan ko.
Naramdaman ko ang haplos sa balikat ko. Si Basil.. Katabi nito si momshie at malungkot na nakatunghay sa akin. Umusog ako nang maupo ito sa tabi ko..
" ano pong nangyari?" Tanong ko sa nanay ni Basil.
" nanikip ang dibdib. Masyadong mainit nung-
" sabi ko naman kasi sa Lolo mo, tigilan nya na ang pag-aayos sa garden natin. Ang tigas ng ulo. " segunda ni Lola.
" lola.. "
" eh ang init kanina. Andun sya sa baba, at nagtatanim- sabi nya , para daw sayo. Maglalagay daw sya mg maliit na pool sa paligid ng hardin, gusto nyang mga mga isda ding aalagaan. Hanggang sa bigla syang nagreklamo na masakit ang dibdib at di makahinga. . "
" lola- -
" hindi muna ngayon. Kailangan nyang gumaling.. di ko kaya." Humagulgol ito . " wag muna ngayon. "
" La, makinig ka sa akin. Magiging ok si Lolo. Malakas yun. Macho sya diba?" Sinubukan kong magbiro pero Iyak lang ito ng iyak.
" nak.," si momshie. "Inateke sya. Pangalawa na ito. Pagdating namin dito kanina, agad naman sya inasikaso. . Sinabi ko sa mga doktor na gawin nila ang lahat. "
" pangalawa na nga po, pero alam kong makakaligtas sya ulit. . Momshie, salamat po. " di ko napigilan ang mas lalong maiyak. Kawawa naman ang lolo ko.. Ano na lang nag mangyayari sa kanya kung di dumating ang pamilya ni Basil!? Napaka walang kwenta kong apo! Ako ang dapat na nag-aalaga sa kanila. Pero ultimo tawag ng lola ko, di ko man lang napansin! Paano pag walang tumulong sa kanila?? Paano na lang pag nahuli sila ng dating??
I dont know how long we've been waiting . I dont even know how to make my heartbeat normal again!. Sinubukan kong tawagan si Matteo, ngunit di ko ito makontak. But i left a message informing him of what happened to my Lolo..
Si Baste.. maybe he can help me too. I decided to message Baste. Cardiologist ito, malamang may mga kaibigan itong irerekomenda na maaring tumingin kay Lolo. Kaya agad ko itong pinadalhan ng mensahe.
Me : Help, Inatake si Lolo. Andito kami ngayon sa ospital. Di ko ma-contact si Matt.
Iba ang timezone nila sa amerika. Nagbabakasali akong gising si Baste sa ganitong oras. Nagbabakasakali akong mabasa nya ang mensahe ko.
BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanfictionAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.