•••***•••" ingat ka ah! Magtext ka kung nasaan na kayo banda" . Bilin ni Lolo. Mula dito sa aming shop, kita na ang naglalakihang mga bus na nakahilera kung san kami sasakay mamaya..
" opo., "
" at kinausap ako ng lola mo kagabi. Gusto nyang umuwi. "
" alam ko po. Pumayag po kayo?"
" oo naman. Matagal na akong pinagbigyan ni Lorena na manatili dito. Matagal nya na tayong initindi.. oras na din naman na sya naman ang pakinggan natin. Ang samahan natin .. "
" tiyak ko pong matutuwa nito si Lola. "
" ilang gabi na din nyang napapanaginipan ang bahay, ang mga halaman nya, ang lahat nang mga naiwan natin .. ultimo ang mama at papa mo napanaginipan nya din"
" Lo.. uuwi na ba talaga tayo?babalik na tayo?"
" pag iisipan natin yan ng mabuti. Malapit ka nadin grumaduate, siguro, pagkatapos lang nun, saka tayo magdesisyon.. "
Tumango tango ako. Gusto kong sabihin dito na tapos ko na ang lahat ng requirements para maka graduate ako. Kahit hindi na ako pumasok, pwede na. Isang araw na lang naman ang hinihintay naming magkakaklase, yung araw na aakyat kami ng stage..
But i dont want to pressure my Lolo. Sige, kung kinakailangang after ng graduation ko, maghihintay ako..
Ang tanong, ako ba ay handa na?
" Sarah, dito ka.. " tawag sa akin ni Aron. Mabait ito, at ka-close ko na agad. Siguro dahil same sila ni Basil.
" salamat.. "
" window or aisle?" Tanong nya.
" ok na ko sa aisle. Para di kita madistorbo kung CR break"
" youre right. Ako kasi, matutulog lang buong byahe. Nahihilo kasi ako.. Mukhang ninja tuloy ako at may face mask and balabal sa mukha! Plus im bringing my mansanilya! Mansanilya ang perfume ng mga shonda!"
" hahahaha! Puro ka kalokohan! "
" totoo naman kasi eh!"
" oo na! . Ay teka, complete na tayo?" Tumayo pa ako para ihead count ang lahat ng estudyante dito, ang ingay ng mga to! Usual.. ganun talaga pag kabataan. Excited, maingay at puno ng kasiyahan.
" i think so.. ang alam ko, parang inaantay na lang na umakyat ni driver at babyahe na tayo"
Habang nasa byahe, tahimik akong nagdadasal para sa safety naming lahat. Kahit na sabihin nating sanay na sanay na ang driver na to sa ganitong byahe di naman natin maiiwasan ang mga disgrasya sa daan. From time to time, tumatayo ako para icheck ang mga estudyante. At dahil na din siguro sa sanay ko sa mahabang byahe, di na ako nakakatulog..
" Ma'am , may candy po kayo?" Tanong ng isang estudyante.
" here.. nahihilo ka ba?" Kinuha ko sa bag ko ang candy sabay na inabot dito.
" opo. Ayoko kasi sa amoy ng bus. Or di lang po talaga ako sanay" . Sagot nito. Tiningnan ko ang oras, malapit na kami mag stop over para sa lunch namin..
" dont worry, more or less , thirty minutes na lang, hihinto tayo para mag lunch. Sigurado kong may mainit na sabaw dun, . Humigop ka kahit konti, it will make you feel better.. "
" at bibili po akong mint candy.. masarap po ito. " ani to sa akin.
" sige.. " bumalik na muli ako sa lugar ko saka naupo.. Apat na oras pa bago kami makarating ng Maynila. Depende pa yan sa traffic, baka madagdagan pa ng isang oras! I badly wants to rest. Gusto ko sanang sa bahay matulog, pero may hotel reservation na kami, at may assigned room na din..

BINABASA MO ANG
This Gotta Be Love
FanfictionAnother AshMatt fanfic for all of you. Again, KATHANG ISIP lamang po ito. Di ito pabebe na fanfic, kaya magexpect ng mga pang-mature na konteksto. In english - Mature Contents are included in this story. Readers discretion is advised.