Chapter 7

2.1K 92 56
                                    





•••***•••

" how's the food? Di mo ba gusto ang inorder ko? Or better yet, i'll call the chef to cook- - " i stopped him from talking by pulling the sleeve of his polo. Nagtataka man, ay napabaling ito sa akin.

Nasa isang restaurant kami sa may centro ng lungsod. Madami ang kumakain dito, at halos puro mga mayayaman. Mahal kaya ang per order sa resto na to! Eh yung mga pagkain dito, pinasosyal lang dahil sa mga dahon dahon na nilagay!

" teka nga , ok lang naman ang pagkain. Wag ka ngang over dyan doc, ningunguya ko lang mabuti ang pagkain. Tsaka di naman ako choosy sa pagkain nuh."

" i thought you dont like it in here. Just tell me what you need, or if there's anything you dont like, sabihan mo lang ako."

" ok lang nga ako. Swear. Tsaka, itong pamangkin mo ang pagtuunan mo nang pansin. Ang konti lang nung kinain. At yung mga gulay, nasa tabi lang ng pinggan, di ginalaw." . Tumalima naman ito at ngayon nga ay na kay Kaygee na ang atensyon nito. Napasimangot naman ang bata at nagsalubong ang mga kilay. Mukhang sa akin ito galit ngayon. Totoo lang naman kaya ang sinabi ko, kasama sa bayad ang mga gulay, kaya dapat nya itong kainin.

" tito, im not eating vegetables. And you cant force me to eat one!"

" but you have to. Your teacher is here" ani Matteo sabay tingin sa akin. Tinaasan ko naman ito ng kilay, sabay irap. Ba't parang ako pa ngayon ang kailangan nitong gamitin panakot sa pamangkin para lang kumain?

" but tito -

" no online games if you will not finish those foods on your plate."

" urgh! "

" ok na ba teacher? " may mapaglarong mga ngiti ang labi nito na pinukol sa akin. My heart skipped a beat! Shet naman kasi ih, ang gwapo nito!!

" ahm- ano, kumain na nga lang tayo. Malapit nang mag ala una, babalik pa kaming eskwelahan."

"Ok . ." Sabi nito sabay tuon sa pagkain. Mabilis na ang naging pagnguya ko dahil kailangan na din naming bumalik. Naiwan ko pa talaga ang cellphone ko, di ko matext si Basil na dumaan sa classroom ko at icheck ang mga bata. At kung sakaling malate ng konti ay bigyan nya na din muna ng seat works.

" ah- Sarah?" Nagtaas ako ng tingin dahil sa tawag ni Doc sa akin.

" bakit?" Tanong ko. He smiled at me. Saka ko nakita ang paglapit ng kamay nito sa akin .." huy, ba-bakit"

" pupunasan ko lang ang sauce sa gilid ng labi mo. . "

" ah.. ako na-

" ako na. " bago pa man ako makagalaw, naramdaman ko na ang paglapat ng tisyu sa gilid ng labi ko.


" hoy Sarah!! Wag na wag mo akong tutulugan!!"

" Basil, alas nwebe na nang gabi, maaga pa klase natin bukas. Bukas na tayo mag-usap."

" Eh kanina inindyan mo ako. Sabi mo ikukwento mo ang lahat, yun pala, paglingon ko lang nag magic ka na. Nawala ka nang bigla! Aba beshie, kwentuhan mo na ako ngayon kung ayaw mong puntahan kita dyan at guluhin!"

" wala naman kasi akong ikukwento, except sa kumain kami . Pagkatapos naming kumain, hinatid nya na kaming muli sa school. Yun lang. At yung iba, bukas na besh. Antok na antok na ako." At sinadya ko pang iparinig sa kanya ang paghikab ko.

" mamaya ka na matulog! Ikwento mo na dali. Sasamain ka talagang babae ka sa akin, pag di mo ikinuwento lahat. Sinasabi ko sayo besh, susuugin kita dyan"

This Gotta Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon